Chapter 6

5.8K 125 1
                                    

Pechie POV

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin dito. Kunyari ay walang nakita. Grabe naman kasi makatitig parang kakain ako ng buhay.

Pero kung siya din naman ang kakain sakin abay why not diba? Ako na mismo lalapit. With lights on pa!

Ano ba yan pechie! Pagkain ang pinunta mo dito hindi kalandian.

Napailing na lang ako at naupo sa upuan na nahanap ko. Kahit na nga ramdam ko ang tingin nito sa may gilid ko ay binalewala ko na lang.

Gandang-ganda lang ang peg?

Ilang minuto lang din ay dumating na ang order ko. Nagsimula na din akong kumain dahil kanina pa din ako nagugutom.

Isusubo ko na sana ang cake sa bibig ko ng may marinig akong nagsalita sa gilid.

"Can I sit here?"dahan-dahan akong nag-angat ng tingin ngunit nabitawan ko bigla ang kutsyarang hawak ko ng makita ko siya.

Nasamid ako sa sarili kong laway at napaayos ng upo.

My fafang savior was standing in front of me. May hawak itong isang tasa na naglalaman ng kape habang malamig na nakatingin sakin.

Jusko Lord! Pwede mo na ko kunin. Nakakita na ko ng angel.

"Uhhmm." Hindi ko na nakuhang sumagot nang umupo na lang ito sa upuan na nasa harap ko.

Sana hindi na siya nagtanong kung uupo din naman ito ng walang pahintulot. Pero sige keri lang hihi!

Napailing na lang ako at umayos na lang ng upo. Nakakahiya naman kasi baka sabihin ala akong modo. Bad yon! Auto turn off yon kay Mr. Fafang savior.

"Hindi kaba kakain?"

Ayy, tingnan niyo concern sakin. Bet talaga ko nito e. Napatikhim ako at dinampot ulit ang kutsyarang nabitawan ko kanina at sumubo ng cake.

"Bat nandito ka? Nasan si Caspel yung kasama mo kanina?" Napahinto ito at masamang tumingin sakin. Teka fafang savior wala akong ginagawa!

"Why do you know him?"

"Anong why? E kasama ko non mamili ng damit kanina para sa kambal daw niya. Tinulungan ko lang." Tipid pa kong ngumiti dito.

Napatango na lang ito."He's a friend." Tipid nitong saad at humigop ng kape sa tasa nito habang nakatingin sakin.

Shet na malagkit. Wag mo ko titigan baka ako humigop sa labi mo este sa taas mo!

Napalunok ako at napatingin sa labi nito. Jusko Lord! Bakit parang mas masarap yung labi niya kumpara sa cake na kinakain ko ngayon?

Kailangan ko na talagang magsimba ang dami ko nang kasalanan.

Hindi ko magawang magbawi ng tingin dito lalo na ng bahagyang nitong ibinaba ang tasa at binasa ng dila nito ang labi niya.

Napatikhim ako at wala sa sarili napakagat ng labi habang nakatingin dito.

Bat ba ang gwapo ng lalaking to?

Tumikhim ito dahilan para mag-angat ako ng tingin. Nakatingin ito sakin at nakataas ang isang kilay. Napaayos tuloy ako ng upo at umiwas ng tingin dito.

"U-uhmm..Bat dito ka nga pala naupo.Ang dami namang upuang b-bakante."utal kong saad. Tae ka Pechie? Kelan kapa naging utal?

Ibinaba nito ang hawak na tasa sa lamesa at nag cross arm bago tumitig sa mga mata ko.

"I just want to. Why? Dont you want me here at your table?" Jusmiyo yan na naman tayo sa seryosong boses niya.

Jusko Lord. Bakit naman ganito tumingin ang lalaking to. Parang gusto akong anakan este kainin ng buhay.

"H-hindi naman sa ganon—"

"I thought you wanted to see me again?" putol nito sakin.

"Huh?may sinabi ba kong ganon—"

"Let's go." Bago pa ko matapos magsalita e hinawakan na nito ang kamay ko at hinatak palabas ng cafe.

Shocks! Holding hands with fafang savior!

"Teka—"Hindi ako nito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paghatak sakin. Anak ng! Yung cake ko naalala ko nasa loob pa!

Yung cake at cold coffee ko hindi pa ubos.

Ang pera ko nasayang lang hindi ko man lang nasulit ang pagkain. Ang mahal pa naman non huhu..

"Sakay." Malamig nitong saad. Doon ko lang napagtanto na nasa parking lot na pala kami at nakatayo sa isang itim na sasakyan.

"Bakit ako sasakay? Saan tayo pupunta?Alam mo bang hindi pa nauubos yung pagkain kong sing mahal ng ginto.Tapos hahatakin mo ko at papasakayin sa sasakyan mo—"

Nagulantang ang katawang lupa ko ng kabod na lang nitong hinalikan ang labi ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa mga mata nitong nakapikit .

Ang...ang labi ko...

Bago pa ko makapag react ay mabilis itong humiwalay sakin at ng magtagpo ang mata namin ay ngumisi ito.

"There you are. I didn't know that kiss can make shut your mouth." Ngisi nito pero hindi ako natutuwa.

BITIN!!!Hahalik na nga lang bitin pa!

Tikman mo ang ganti ng isang API at bitin!

"Ako naman." Kumunot ang noo nito at magsasalita na sana ng tinulak ko ito dahilan para mapasandal ito sa sasakyan niya.

"What are you—"

Katulad ng ginawa niya ay hinalikan ko din siya. Matamis at malambot ang mga labi nito. Ang sarap halikan araw-araw. Hinawakan ko ang batok nito at mas hinala pa siya papalapit sakin.

At bago pa ito makabawi sa ginawa ko ay mabilis na kong humiwalay dito at namumulang humarap sa kanya.

"We're even now. Next time na manghahalik ka make sure yung handa ako para pwede akong gumanti."

Tulala lang ito at nanatiling nakatingin sakin. Bahagya pang nakaawang ang namumulang labi nito dahil sa halik kanina.

Napatikhim ako at kinuha ang gamit ko bago binitbit at naglakad palayo. Pero nakakadalawang habang pa lang ako ay agad akong huminto at tumingin dito.

"Sa susunod na magkita tayo pasabi naman sakin kung ano ang brand ng lipstick mo. Ang tamis e." biro ko at ngumisi pa.

"What–"

Hindi ko na pinansin ang sasabihin nito at mabilis na kong naglakad palayo.

Damn it. pechie anong ginagawa mo?Kukurutin talaga ko nila sister pag nalaman nila kung ano-ano ang pinaggagawa ko.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong napaupo sa maliit kong sofa. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at napangiti.

Sarap ng labi hihi.

Pano pa kaya kung overall—ayy nako Pechie ang utak kung saan-saan napapadpad.

Napailing na lang ako. Napatingin ako sa cellphone ko ng dltumunog yon. Binuksan ko ito at napakunot ang noo ng makita ang nakalagay sa mensaheng dumating sakin.

"I kill you. Just like what I did to you're parents."

The Mafia's SecretWhere stories live. Discover now