Chapter 3

7.3K 131 5
                                    

Pechie POV

Tulala ang beauty ko habang kumakain ng lunch. Wala si Hari ngayon marahil ay may tinatapos itong paper works na need ipasa kay miss Prani.

Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang message na natanggap ko. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganon.

Pag talaga prank lang ang message na yon, sasakalin ko talaga ang nag padala sakin non. Akala naman niya matatakot ako sa ganon.

Mas matatakot sana ko kung multo ang makikita ko, pero kung ganon lang na puro pagbabanta ay mananawa lang sila kakabigay sakin dahil hindi ko naman papansinin.

At syaka wala din naman akong kilalang unknown kaya bakit naman ako bibigyan ng ganong message o baka naman wrong send lang?

Syaka sinong tanga ang magpapangalan tapos unknown pa ang ilalagay?

Di ko talaga alam kung may topak yung mga yon o gusto lang mang trip.

"Ano na namang iniisip mong gaga ka?" Napa-irap ako ng umupo si Hari sa harap ko at kumain na parang hindi pinakain ng isang linggo. Mukhang natapos na ang inutos ni miss Prani.

"Wala ka na don—teka ano ba yan!Kadiri ka tumatalsik yang kinakain mo." Napangiwi na lang ako at pinunasan ang braso kong natalsikan ng sauce.

Ang baboy talagang kumain ng babaeng to!

Kadiri talaga kahit kelan ang bruha. Kung kumain parang bata ang kalat-kalat. Susumbong ko talaga to kay tita walang manners.

"Sorry na. Gutom lang hindi kasi ako nakakain sa bahay kanina." Anito at tuloy parin sa pagkain.

"Bakit hindi ka kumain? Maghihirap na ba kayo at wala kang makain? Ngisi ko dito. Nag-angat ito ng tingin at inirapan ako.

Bruhang babaeng to. Daming pagkain sa bahay nila tas dito kumakain.

"Bruha! Maraming pagkain sa bahay. Hindi lang ako makakain dahil kinukulit na naman ako nila mom tungkol sa pagpapakasal."

"Ano namang problema don? Edi magpakasal kana, para naman hindi kana tuyot na tuyot dyan."

Eto hirap sa babaeng to e. Ayaw lumandi pero apura reklamo na tuyot siya.

Tumigil ito sa pagkain at humarap sakin. "Sige Ikaw maghanap ng lalaki dyan. Itong babaeng to parang siya may dilig e tuyot ka rin naman."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Anak ng! Itong babaeng to inaalaska ako hah!

"At least ako my first kiss at second kiss na e. Ikaw? Waley, nganga." Sagot ko dito. Napangisi ko ng makita ng inis sa mukha nito.

Pero mukhang mali yatang ininis ko ang babaeng walang kain sa umaga.

"May nabasa kana bang article na nakulong ang isang babae dahil sinaksak ng tinidor ang kaibigan nitong walang preno ang bibig?" Saad nito at ngumiti sakin ngunit madilim ang mga mata.

Napalunok ako. "Wala. Bakit? Saan bang article yan ng mabasa ko." Saad ko kunyari ay hindi kinakabahan sa hawak nitong tinidor ngayon.

"Wala pang article. Pero wag mo nang basahin mas okay kung mararamdam mo para alam mo yung feeling." Saad nito sabay taas ng tinidor nito at ngisi sakin.

Tangina. Sabi ko na e. Mali talagang binubwisit ang babaeng to e.

"Baka naman pwede natin itong pag-usapan?" Kinakabahan kong saad at tumayo na sa kinauupuan. Pero halos lumabas ng puso ko ng tumayo din ito sa upuan at unti-unting lumapit sakin.

"Nah. Wag na nating pag-usapan. Sigurado naman akong mababasa mo ito sa dyaryo. Yun ay kung humihinga ka pa."

"Yeah. Kung—kung humihinga pa ko. Hehe ang g-galing." Saad ko at dahan-dahang umatras bago kumaripas ng takbo upang maligtas ang buhay ko sa kamay ng baliw kong kaibigan.

The Mafia's SecretWhere stories live. Discover now