Chapter 1

14 2 0
                                    

First Day of Work

"Ms. Angeles, sa table two nga pakilinis!" Agad akong nagtungo sa table two upang linisan ito at iligpit lahat ng kalat.

"Ah, miss?" Inayos ko ang mga buto at tinik sa isang lalagyan bago ako tumingin sa gawi ng lalaki.

"Ano ho 'yon, Sir?" Tanong ko habang nagpupunas ng mesa.

"Uh, can I ask your number?"

Ayan! 'Yan na naman sila. Makakita lang ng maganda dumada-moves na naman!

"Sorry, pribado akong tao." Tinapos ko na ang pagpupunas sa mesa bago ko buhatin ang mga pinagkainan nila patungo sa kusina.

"Wait, miss! I just want to be your frien–" Nagulat ako nang biglang humarang sa harap ng lalaki si Aj.

Teka! Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?

"Pribado nga 'di ba? Pri.Ba.Do. If you don't understand, it's PRIVATE." Matigas na ani nito sa mukha ng lalaki. Ngumisi naman ang lalaki bago taas noong tiningala si Aj.

"And who the hell are you–"

"I'm her, her best friend." Putol nito sa sasabihin niya. Pero teka nga, bakit ba sila nagsasagutan dito? Pwede namang sa labas na lang. Nakakahiya na sa mga customer!

"Best friend ka lang pala eh, why don't you just–"

"Shut your ugly mouth! Leave now while I'm trying to be nice here." Putol na naman nito sa sasabihin nung lalaki.

Ano daw? Nice? Eh, siraulo pala 'tong lalaking'to eh!

"At sino ka para utusan akong umalis? Mas gwapo pa nga ako sa–"

"Nag-toothbrush ka ba? Hulaan ko ulam mo, sardinas." Wala talagang preno bibig nito, walang inaatrasan! Except sa'kin syempre, takot sa'kin 'yan eh.

"Kanina mo pa 'ko binabara, ah! Patapusin mo naman ako–"

"I don't give a damn. Leave. Now."

May dumating na dalawang bodyguard at dinampot ang kawawang lalaki. Halata sa mukha nito ang galit at inis. May mga ilang customer na rin ang nagpatuloy sa kanilang ginagawa at may mga customer din na kararating lamang.

Bumaling ako sa lalaking mais 'yung ulo at nakita kong nakabusangot ito habang nakatingin sa hawak kong mga plato.

"Ano? Masaya ka sa ginawa mo? Gumawa ka pa ng eskandalo dito sa restaurant niyo." Nagtungo ako sa lababo at inilapag doon lahat ng hawak ko. Nakasunod pala ito sa akin at panay pa rin ang tingin.

"Ano ba? Napagkakamalan tuloy kitang manyakis." In-open ko ang faucet at sinimulang maghugas ng mga baso.

"Are you okay? Sinaktan ka ba niya kanina? Sabihin mo lang at hahanapin ko, ipapabugbog ko sa mga tauhan ni Daddy." Sinabuyan ko ito ng tubig dahil sa mga pinagsasasabi nito.

"Ayan! Diyan ka magaling! Pwede bang iwasan mong makigulo? Please lang, baka 'yan pa ikapahamak mo. Naku!" Tumingin lang ito sa'kin bago ako tulungan sa paghuhugas.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now