Chapter 5

7 0 0
                                    

Dance

"Ano? Ready ka na?" Si Irish habang kinukulot ang dulo ng buhok ko.

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at parang hindi ako 'to. Kanina kase ay inayusan ako ni Irish at nilagyan ng mga kung ano-ano sa mukha at nilagyan ako nito ng lipstick na kulay pula, para raw terno sila ng dress ko.

Dress ba talaga 'to o gown? Mahaba siya tapos may pa-slit sa bandang kaliwa kong hita na lampas sa tuhod. V-neck din ito at kita ang collarbone ko. Hindi ako komportable sa totoo lang!

"Kailangan ba talagang magsuot ng ganito at ayusan ng bongga kapag pupunta sa isang party? Hindi ba pwedeng mag-short at t-shirt na lang? Kakain lang naman tayo dun!"

"Gaga! You should wear a formal dress or something else na formal talaga para hindi nakakahiya sa mga bisita! Anong gusto mo? Pagtawanan ka roon?" Kumamot ako sa ilong at agad ako nitong sinita dahil matatanggal daw iyong foundation. Daming arte!

"Eh, ano naman kung pagtawanan ako? Hindi naman ako pupunta roon para magpa-impress, pupunta ako roon para kumain!"

Umirap ito. "Hindi ka ba nabubusog? Oo nga at matakaw ka, pero bakit hindi ka tumataba?"

"Hindi ko rin alam! Baka may alaga akong uod sa tiyan at kinakain nila iyong mga kinakain ko!" Tinapos nito ang pagkukulot sa buhok ko at sinuklay bago itali ng parang donut at nag-iwan ito ng ilang hibla sa gilid ng mukha ko para magmukhang messy hair daw.

"Hindi pa ba tumawag si Aj sa'yo? Akala ko ba susunduin tayo 'non?" Chineck ko 'yung cellphone ko at nakitang walang missed call o text man lang galing sa kaniya.

"Baka na-traffic? Ikaw, check mo nga 'yang sa'yo baka merong missed call." Umiling ito pagkababa niya ng hawak niyang cellphone.

"Tawagan ko kaya? Baka sumagot," Ilang beses ko itong tinawagan ngunit wala pa rin katulad din ng kay Irish.

"Wala talaga. Eh, kung mag-taxi kaya tayo?" Sumang-ayon na lang ito bago kami lumabas at naghanap ng taxi.

PAGKARATING namin sa gate ng mansiyon nila Tita Amie, agad kaming pinapasok ng guwardiya dahil binilin daw siya ni Tita.

Pagkapasok pa lang ay talagang mapapanganga ka sa ganda ng theme ng party. Mayroong dalawang chocolate fountain sa magkabilang gilid at sa bandang harap nito ay mayroong mga cupcakes na naka-display ng puso at grabe! Sa palibot nito ay maraming-marami ang nakahilerang mga pagkain katulad na lang ng spaghetti, macaroni, barbeque, steaks, palabok, fried chicken, nuggests at syempre hindi magpapahuli ang lechon! Sa tingin ko ay na sa sampung baboy na lechon ang handa ni Tita Amie dahil sa pagitan ng mga ito ay mayroong mga lamesa at sa ibabaw nito ay ang mga pinggan, kutsara, juice at mga wines.

"Grabe, bigla akong nagutom!" Tumawa lang si Irish bago dire-diretsong naglakad nang hindi natatapilok sa suot nitong sandals na mataas ang takong. Siguro sanay na 'yung paa niya.

"Ayusin mo paglalakad mo, Camille! Oh my gosh! Nakakahiya kapag nadapa ka!" Bulong na sigaw nito sa akin habang papalapit kami kila Tita Amie na ngayon ay nakatayo sa isang mesa kasama si Aj na lumilinga-linga na parang may hinahanap at nang magtagpo ang tingin namin, para itong nakahinga ng maluwag.

"Hi, Tita Amie! Happy birthday to you!" Masayang ani ni Irish bago i-beso si Tita sa pisngi.

"Oh my god! Thank you, dear!" Tumingin sa akin si Tita at ngumiti ng matamis.

Fall For Him, HarderDär berättelser lever. Upptäck nu