Chapter 9

4 1 0
                                    

Dark Skies, Smiling Stars

Magdadapit hapon na pero narito pa rin kami sa tubig habang naglalaro. Papalubog na ang araw at napakaganda nitong pagmasdan. Lumingon ako sa aking likuran nang maramdaman ko ang mainit na bagay sa aking beywang.

Kasalukuyan ngayong nakayakap sa aking beywang si Aj habang ang baba nito ay nakapatong sa aking balikat. Hindi ko pinansin ang naging reaction ng puso ko sa ginawa niya.

"I love the view." Malalim pero mahinahon nitong ani malapit sa tenga ko.

Nanindig ang balahibo ko dahil sa kaniyang ginawa. Ewan ko ba. Ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko.

"Calm down, Annabelle. I won't eat you."

Ibang-iba ito sa Aj na nakilala ko. Yung kilala ko kaseng Aj ay laging palatawa, mahilig mang-asar, lagi akong kinukulit at higit sa lahat, hindi siya clingy!

Pero bakit parang ibang Aj 'yung kasama ko ngayon? Yung tipong seryoso kung tumingin, napakahinahon magsalita, tahimik at laging nakatingin sa kawalan, ang lalim ng mga salitang binibitawan at higit sa lahat, there is an empty and loneliness through his eyes.

"Aj?"

"Hmm?"

Hinaplos ko ang kamay nitong nakayakap sa beywang ko. "May problema ka." Hindi ito patanong at hindi rin pasagot.

"How come?"

Tumahimik ako ng ilang segundo. "Hindi ikaw 'yung kaibigan ko," Naramdaman kong nagulat ito. "Si Aj kase hindi kayang mag-sekreto sa akin. Walang araw na hindi niya sinasabi sa akin lahat ng nangyayari sa kaniya. Baliw 'yun pero hindi kayang magsinungaling sa akin."

Humarap ako dito bago pakatitigan ang gwapo nitong mukha. "Akala mo ba hindi ko nararamdaman? Hindi ikaw si Aj. Ikaw si Andrew. Yung Andrew na laging nakasimangot at laging badtrip sa tuwing hindi nasusunod 'yung mga gusto. Yung Andrew na hindi mahilig mag-open up sa kahit na sino. Si Andrew na magaling mag-sekreto." Kusang tumulo padausdos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit.

Nakatingin lang ito ng diretso sa mga mata ko. Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit sa beywang. Pinunasan nito ang luhang nahulog sa pisngi ko.

"I'm sorry, I know I'm sellfish." Tumingala ito sa kalangitan na tila pinipigilan ang namumuong luha mula sa kaniyang mga mata.

"Last night, papunta ako sa kusina. I heard mom's voice talking to someone. Tumigil ako para tignan kung sino 'yon. It was Lola."

Hindi ko inaasahang magku-kuwento ito. Nagtataka man ay pinakinggan ko pa rin ang mga sumunod nitong sinabi.

"Next week is Lola and Lolo's 65th anniversary which is be held at our house. So they're talking about the celebration."

"At first, pinagsawalang bahala ko 'yung pinag-uusapan nila. Not until I heard that Lola wants me to marry this woman who I haven't known and seen after my birthday." Nagulat ako sa mga sinabi nito. Hindi ako makapaniwala.

"I'm the heir of family, so the responsibility will be mine. Funny, isn't it? They only want their money, their power for their own fucking sake!"

Hindi ako umimik. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Nakatulala ako sa kawalan habang pilit na iniintindi lahat ng sinabi niya. Tahimik ang buong paligid. Gabi na at malamig na ang hangin pero nandito pa rin kami sa ilalim ng tubig at walang imik.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now