Chapter 7

7 0 0
                                    

Jealous

"Cams dear, halika na!" Sigaw ni Irish sa baba.

Dis-oras na ng gabi pero andito pa iyang bruhilda. Ewan ko ba! Basta-basta na lang sumusulpot sa kung saan!

"San ba tayo pupunta?" tanong ko nang makababa ako.

"Secret, no clue. Sakay na."

Sumakay ako sa passenger seat nito bago ikabit ang seatbelt sa aking katawan.

"Let's go party! Whoo!" Sigaw nito bago paharurutin ng mabilis ang kaniyang kotse.

"Jusko! Ayoko pang mamatay, Lord!" Tili ko habang mahigpit na nakakapit sa likod ng aking upuan.

***

"HINDI mo naman sinabing sa bar pala tayo pupunta! Punyemas, tignan mo 'tong suot ko!" Sigaw ko kay Irish, pero ang gaga nakangisi lang.

"Kase someone's gonna be mad if you wear a sexy clothes. Ayoko pang ma-deads! Come on, andito sila!" Hindi pa ako nakakasagot nang bigla ako nitong hilain papasok sa loob. Hindi naman umangal ang guwardiya dahil malamang nakilala niya si Irish. Lagi kasing nagpupunta sa bar si Irish sa tuwing pinapagalitan siya ng daddy niya. Pampakalma raw kuno!

"Hey guys! I bring Camille here!" Malakas na sigaw ni Irish dahil sa ingay ng tugtog.

Agad namang lumingon sa amin iyong mga taong nag-iinom at nag-uusap sa may bandang dulo kung saan naka-upo sila Aj.

Gulat naman akong napatingin sa katabi nitong linta. Walang iba, kilalang-kilala niyo na! Hazel 'linta na higad pa' Pabebe, everyone!

"Hey, Rish! Hello, beautiful lady! I'm Noel, nice meeting you." Pakilala sa'kin ng hindi masyadong katangkaran pero maputing lalaki. May lahi siguro itong banyaga dahil sa kulay ng mga mata nitong berde.

"Cami–"

"She's Annabelle," Malalim na tinig ang pumutol sa sasabihin ko.

Lumingon ako at nakita ko si Aj na nakatayo na pala sa likuran ko nang hindi ko namamalayan.

"Annabelle? Oh, nice name." Sabi nung Noel.

"Happy birthday to you, Noel! Let's dance!" Si Irish na kumekembot-kembot na habang may hawak na isang baso ng alak.

Agad niyang hinila si Noel sa dancefloor habang tumatawa. Hindi ko sila pinansin at agad na naupo sa bakanteng upuan.

"What's with that face?" Nilingon ko si Aj pero agad ding umiwas dahil masiyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Wala lang, mukha pa rin."

"You silly girl!" Ginulo nito ang buhok ko bago pisilin ang pisngi ko.

"Masakit naman!" Reklamo ko.

"Ehem!" Napatingin naman ako sa kaharap naming upuan at doon ko lang napansin na nandito pala si Hazel. Kung hindi pa siguro ito tumikhim malamang nakalimutan ko nang andito siya.

"Oh, andiyan ka pala. Kala ko patay ka na." Bulong ko sa huli kong sinabi.

"What?"

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now