Chapter 13

5 0 0
                                    

New Year

MAINGAY at malakas na hiyawan ang maririnig sa labas. Naalimpungatan ako nang maramdamang may humahalik sa ilong ko. Pagkadilat ko ay bumungad sa akin ang maamong mukha ni Aj. Nakangiti ito habang malalim ang titig sa akin.

"Happy new year, love. More years to come with us." Mahinahon ngunit puno ng pagmamahal na ani nito.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o tatawa. I just... love this man so much. Siya lang 'yung nagpaparamdam sa akin ng ganito. Siya lang 'yung kayang magpabuhay ng mga paru paro sa tiyan ko. Dammit, Aj! What did you do?

"Happy new year too. I hope this year brings us a good memories, happy life, and more blessings." Hinaplos ko ang pisngi nito. Pumikit ito habang nasa ibabaw ko parin. Alam kong iba ang iisipin ng mga tao sa posisyon namin ngayon, pero wala akong pakealam. All I want is him, beside me.

"Sa labas tayo? They're partying." Tumango ako at nagtanong kung pwede ba akong sumakay sa likod niya.

"Of course."

Lumabas kami ng kwarto habang buhat-buhat ako nito sa likod. Natanaw ko kaagad iyong mga fireworks sa itaas. Ibinaba ako nito mula sa kaniyang likod bago ako tumabi sa kaniya.

"Picture tayo?" Tanong ko.

Ibinigay nito sa akin ang kaniyang cellphone bago ko pinindot ang camera. Front cam. Kaming dalawa lang.

"One, two, three... Smil–" Pagbibilang ko.

"I love you." Putol nito bago ko pindutin ang button. Nakangiti kaming pareho sa litrato ngunit ang mga mata nito ay nakatingin sa akin.

Kumalabog nang mabilis ang puso ko sa bawat salitang binibitawan nito. Lalo na ang mga mata nitong malalim ang tingin sa akin.

"Let me see." Inabot ko ang cellphone nito sa kaniya bago nag-iwas ng tingin.

"Pretty. Gagawin ko 'tong wallpaper." Sumulyap ito sa akin bago itago ang kaniyang cellphone.

"Why are you hiding your face?" He chuckled. Hinuhuli ang mata ko.

"A-asan pala si tita? Si tito?" Pag-iiwas ko sa tanong niya.

"Kitchen. Andun din 'yung mga pinsan ko. Kumuha sila ng alak. Probably, maglalasing."

"Iinom ka?" Hindi ko maiwasang itanong.

"A little. Uh, is it okay?" Nag-aalangan nitong tanong.

Ngumiti ako. "Syempre naman. Bakit mo ako tinatanong? Ikaw dapat mag-desisyon niyan."

"Of course I mind asking my girlfriend. Baka kasi ayaw mo nang magpahalik kapag amoy alak na ako." Tumawa ako kasabay nang pag-akbay nito sa akin.

"Sino bang nagsabing hahalikan kita?" Panunuya ko. Sasagot pa sana ito nang may magsalita sa likuran namin.

"Ouch! May langgam!"

"Nasobrahan ata ng asukal dito?"

"Grabe namang ka-sweet-an 'yan!"

Narinig kong pangangantiyaw nila sa amin. Lumingon ako sa mga pinsan ni Aj na nakahawak ng mga beer at pulutan. Kasama nila si tita Amie at tito John na magkahawak-kamay habang naglalakad patungo sa amin. Naka-jacket kaming lahat.

Fall For Him, HarderKde žijí příběhy. Začni objevovat