Ano nga ba tayo?

2.5K 30 1
                                    


Ano nga ba tayo?
Naghaharutan sa messenger,
Pero wala namang lebel
Yung tipong pinaparamdam mong mahalaga siya,
Pero hindi alam kung ganon din ba sya.
Sabi ng iba tawag dito "MU"
Ano Yun? Malabong usapan?
Yung parang Ikaw at Ako pero Hindi naman.
Yung pinaparamdam niyang mahalaga ka, na parang di naman.

Ano nga ba tayo?
Nag -aasaran at nagtatampuhan,
Sa simple mong banat,puso ko'y parang may paro-paro.
Ano to? Malanding Ugnayan?
Kung saan nag-lalandian pero alam na wala itong patutunguhan.
Dahil tanging sakit lang naman ang maidudulot nito sa puso ng nating dalawa.

Ano nga ba tayo?
Sa tuwing tinatanong ako ng iba kung Ano ang meron sa ating dalawa.
Ako'y napapayuko na lang sapagkat,
Di rin natin alam kong anong meron tayong dalawa.

Ano nga ba tayo?
Pakiusap iyo nang linawin,
Pagkat puso ko'y umaasa parin.
Palagi na lang naririnig sa iba na tayo,
Pero alam namang nating dalawang Hindi iyon totoo.

Ano nga ba tayo?
Hindi ko na alam Kung ano ang gagawin,
Pagkat pakiwari koy kasalanan ko rin.
Pinili kong walang tayo,
Dahil alam kong walang nagtatagal sa mundo.
At tanging wala lang ang meron ito.

❀[📖🖋️]❀

☞⁠ plagiarism is a crime punishable by law.
☞⁠ open for criticism.
☞⁠ open for dedication.
@brooom

❀- @msnonexsinggirl on Wattpad.
❀- Carmela WP on Facebook.
❀- @carmelawritera on TikTok.


Mga Tula Där berättelser lever. Upptäck nu