napapagod din po ako ma.

159 1 0
                                    


paggising sa umaga,
notebook agad ang naalala.
baka kasi di pumasa,
sa pagsusulit mamayang umaga.

sabi mo dapat taasan ko pa mga grado ko,
kaya ang ninety-five ginawang siyamnapu't walo
pero di ka parin natuwa sa ginawa ko,
ano ba talaga ang 'yong gusto?

napapagod din ako ma,
di na nga ako halos nakakapagsaya.
wala akong kaibigang palaging kasama,
dahil sabi mo mga bad influence sila.

napapagod na po ako ma,
pwede bang sarili ko muna?
ginawa ko na ang lahat,
pero bakit di pa rin sapat?

ma tama na,
nais kong mabuhay ng walang inaalala.
nais kong maging malaya,
nais kong maranasan kung paano maging masaya.

Mga Tula Where stories live. Discover now