Ikaw ang paksa

638 7 0
                                    

Ikaw ang paksa,
Laman ng mga kwento at tula.
Naging inspirasyon sa pag-susulat,
Sa pag-aaral,lahat.

Ikaw lang naman ang taong ninais ko
Pero bakit,ganito?
Ganito pala ang pakiramdam,
Yung hanggang sa pangarap ka na lang.

Bakit kasi ang sikat mo?
Bakit ka nasa libro?
Bakit di ka na lang totoong tao?
O kilala sa totoong mundo.

Papanoorin na lang ba kita?
Babasahin ang kwento mo kasama iyong sinta?
mananaginip na lang para makasama ka?
O hanggang sa fb na lang kita makikilala?

Ikaw ang naging paksa,
At ako'y mananaginip na lamang na kasama ka.
Ako'y konteto na,
Na sa panaginip ka lang nayayakap at nakikita.

|•msnonexsinggirl•|
|•Plagiarism is crime•|

Mga Tula Where stories live. Discover now