Lihim na Pag ibig

1.4K 11 0
                                    

Natakot na akong ipaalam pa ang totoo,
Takot malamang na di mo naman ako gusto.
Kaya pinili Kong mahalin ka ng lihim,
Dahil sa lihim ay poprotekta sakin mula sa sakit.

Nakasilip sa pinto,
Tinatanaw ka mula sa malayo.
Palagi kang nakikita kasama siya,
Kung kaya't alam kong ako'y talo na.
Kaya pinili kong mahalin ka sa mula sa malayo,
Dahil sa malayo ay ang poprotekta sakin mula pait at lungkot.

Bawat pagtawa mo'y para sa'kin isang musika,
Hanggang sa ito'y naging paborito ko na.
Masakit lang talaga isipin na di ako ang dahilan mga halakhak,
Sapagkat di mo naman alam,
Na ako'y nariyan sa tabi tinatanaw kang masaktan at sumaya sa piling ng niya.

Posible pala to?
Yung umiiyak ka para sa sarili
Pero masaya ka para sa iba.
Siguro akin na lang tatanggapin,
Na ang iyong mga tawa't halakhak ay di para sakin.

Kung kaya't ang pag- ibig,
koy naging isang lihim.
Dahil sa lihim,
ay matatago ko ang sakit habang may nakaplastar ngiti.




❀[📖🖋️]❀

☞⁠ plagiarism is a crime punishable by law.
☞⁠ open for criticism.
☞⁠ open for dedication. 
@brooom

❀— @msnonexsinggirl on Wattpad.
❀— Carmela WP on Facebook.
❀— @carmelawritera on TikTok. 

Mga Tula Where stories live. Discover now