walang tayo

121 0 0
                                    

masayang nagkukwentuhan,
madalas magkatuwaan.
parang hindi kaibigan ang tratohan,
ano nga ba talaga ang totoong nararamdaman.

may selosang nagaganap,
pero ang karapatan ay di mahanap.
ako lang ba ang may nadarama,
nakakatakot harapin kasi parang di'ko kaya.

ayaw kong sabihin ang totoo,
natatakot akong malamang di mo'ko gusto.
ang sakit isipin na ikaw ang nagpakita ng motibo,
pero ako ngayon ang may lumuluhang puso.

walang tayo,
walang ikaw at ako,
dahil para sayo magkaibigan lang tayo,
at kailanman ay di magiging mahal mo.

Mga Tula Where stories live. Discover now