Chapter 5

11 3 0
                                    

I got opportunities to do commissions. Sobrang tagal kong nakakatulog dahil tinatapos ko sa isang gabi ang isang artwork ang ending, kinabukasan sa skwela ay nakakatulog ako habang nagle-lecture.

"You've been so busy?" Litanya iyon ni Eron nang matagpuan akong nagsusulat ng notes sa food court.

Napatingala ako at naabutan siyang may bitbit na inumin. Matagal na rin noong huli ko siyang nakita kaya medyo nanibago ako nang maklaro ang suot niyang earrings.

Good thing dala ko ang libro niya kaya agad kong binuksan ang bag at ibinigay iyon sa kanya.

"Thanks, don't worry inalagaan ko 'yan." I said as I watched him sit in front of me.

"I said sa'yo na ito. It won't hurt if tanggapin mo na lang." He said as he slid a drink on the table.

"Saiyo na ang libro at sa'yo na rin ito." Aniya habang binubuksan ang bottle ng isang inumin.

Ugh. He's very stubborn! Kita niya namang nakakahiya tumanggap ng kung ano-ano galing sa kanya.

"It's my treat. You can continue what you were doing, may klase na rin naman na ako." Aniya umambang tatayo na.

"Uhm.." I bit my lower lip and think if I should express my gratitude.

Tumigil siya at tumingin sa akin. He arched a brow that made me decide to just speak.

"T-Thank you. Ililibre rin kita sa susunod, you've done a lot for me." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

I heard his little chuckle at what I said but I did not mind it. Nagpatuloy na akong magsulat at magbasa.

Napataas ako ng tingin nang maupo siyang muli sa harap ko.

"You are welcome." Tumitig siya sa akin ng may ngiti sa labi kaya na concious tuloy ako!

I averted my gaze and cleared the lump in my throat as I forced myself to focus on what I am reading.

"Nagb-blush ka," He concluded that made me look up.

Marahas akong napaangal sa sinabi niya at binigyan siya ng ang-kapal-mo-look.

"Mangilabot ka nga! " Bulalas ko.

He playfully licked his lower lip and boyishly stifled a smile, biting the insides of his cheeks. As if something just got his interest.

"Oo, nagp-practice akong mag make-up kaya naglagay ako ng blush." Pagsisinungaling ko para maputol malanding paninitig niya.

Feeling ko tuloy nagb-blush nga ako! Gusto ko tuloy i-check ang mukha ko kung namumula ba o ano. He shook his head as he chuckled at me getting conscious.

He looked puzzled when he heard what I said. "Huh?" He questioned to himself.

Napatawa nalang ako dahil sobrang tanga niyang tingnan. Hindi niya naintindihan! My gosh do I need to explain yo him?! My gosh ha!

"May klase ka pa diba? Alis ka na," Pambubugaw ko sa kanya ngayon nasa libro na ang tingin.

Narinig ko ang tawa niya.

"Sige, bye my Llanelli." Bulong niyang hindi ko narinig bago tuluyang umalis.

Hindi na nag-abalang kunin ang librong binigay sa akin. Then if he insists, I will keep this.

Kinuha ko ang libro at nilagay ulit iyon sa bag. Just when I was about to drink the drink he gave, he popped out again out of nowhere.

Muntik ko nang maibuga ang iniinom nang nagasalita siya. Mukhang kakagaling lang sa pagtakbo.

HE Who Saw the DeepWhere stories live. Discover now