Chapter 14

16 3 0
                                    

After that talk with him on the hospital, everything went smoothly.

Tatlong araw pang muli bago siya nakalabas ng hospital. I frequent on his ward almost every after class, minsan iniisip kong hindi na kailangan pero kapag nakikita ko ang malapad na ngiti niya sa tuwing bumibisita ako ay narerealize kong mabuti at pumunta ako.

"Sino ba ang nagbabantay sa'yo kapag wala ako?" Tanong ko isang hapon nang maabutan siyang kumakain mag-isa.

Nakaupo ako sa kama at kaharap siyang kumakain sa bed table.

"Pinsan kong ate, she just went out to meet up with a client." Simple niyang sagot matapos kong abutan siya ng tubig.

"Ang mama mo pala?" Tanong ko at nilagyan ng gulay ang plato niya.

"Patay na," Agad niyang sagot na ikinatigil ko. That's a news to me.

Napaangat ako ng tingin sa kanya, he continued eating like he didn't said something so devastating. Walang bakas ng kahit anong kalungkutan sa mukha niya pero alam kong tinatago niya iyon.

Napansin yata ang pagkagulat ko kaya tiningnan niya ako. Nag-angat siya ng tingin. I wanted to know what happened, nasaan ang dad niya o kung may kapatid ba siya pero mas iniisip ko ang mararamdaman niya.

"What's with that reaction?" Ngumisi siya at tumigil sa pagkain.

"I'm just shocked. I'm sorry to hear that," Ngayon ko lang nalaman dahil ngayon niya lang nasabi at hindi ko kailanman natanong ang tungkol sa personal na buhay niya.

I just realized how private he is. Hindi siya mahilig magkwento sa buhay niya.

"I'm okay now, don't worry about me." Dagdag niya at nagpatuloy sa pagkain.

Even when I visit every night I haven't met the ate he's been talking about. Siguro ay maagang umaalis at hindi ko na naabutan. Hanggang sa nakalabas na siya, hindi nagkataong nagtagpo ang landas namin ng ateng tinutukoy niya.

We were busy reviewing for our upcoming exam, sa benches lang sa harap ng room dahil mahangin. Mag-isa ako sa upuan nang tumabi si Eron sa akin, malapad ang ngisi.

He extended his arm and showed me something inside the paperbag. I pouted to hide my smile. Kinuha ko iyon at tiningnan ang loob.

"Nakakalimutan mong kumain," Aniya sa nag-aalalang boses pero mas bakas ang kasiyahan ngayon sa hindi ko malamang dahilan.

It was our lunch inside the paperbag. Hindi ko alam kung binili niya ito sa cafeteria or in-order dahil mukhang mamahalin na naman.

"Thank you." Nilabas ko ang pagkain at binigay sa kanya ang isa.

A smile crept on his lips. " You wanna eat here? We should go to the pond." Suhestiyon niyang tinanguan ko.

We went there to eat. Na-late pa kami sa next class dahil sa mga tanong niya.

"I'm feeling better now, we can continue talking." He opened up and stared at me after finishing our lunch.

Akala ko ay maiiwasan ko ang tanong na iyon sa pag-aakalang nakalimutan niya na pero mali ako.

"I want to court you. Will you allow me to?" With those enchanting deep eyes looking at me, naalala ko lahat ng inisip nitong mga nakaraan.

If I remained oblivious of his feelings, would that benefit me? The answer is no. The problem is me. I kept on pushing him away but I kept on thinking of wanting him.

Inaamin ko sa sariling gusto ko siya at wala naman sigurong masama na makinig minsan sa puso. I see no harm in it.

We have a heart because it serves as a reminder to us to feel and live. Not only to rely on our brains reflecting and making important choices.

HE Who Saw the DeepWhere stories live. Discover now