Chapter 10

16 3 0
                                    

"Sige na, please!" Pagmamakaawa ko kay Mizuki.

Hindi na ako pinansin ng magpinsan. Nasa harap ng gate kami ng school. Sa may mga nagp-print at maraming studyanteng dumadaan pero walang hiya ko talaga siyang pinipilit.

"No, Miz. Let her do it." Singit ni Elijah habang nakakunot-noong nagtitipa sa cellphone niya.

Inirapan ko siya. "Eh sa ayaw ko nga siyang makita!" I stumped my feet and pleaded more.

Mizuki heaved a sigh, as if tired of my whims. "What's too hard handing it to him, though?" She wet her lips and rolled her eyes.

"Give it to me, I'll wait here." Mabilis na gumuhit ang ngiti ko sa labi.

Agad kong binigay sa kanya ang paperbag na nagpataas ng kilay niya, amused. Sinabi ko sa kanya ang mga sinabi ni Zeina pagkatapos ay kasabay si Elijah na nauna na sa sasakyan niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Bad mood?" Ako naman ang nagtanong kay Eli ngayon na panay sulyap sa phone niyang nakapatay.

He continuously tapped the steering wheel as he watched the students outside the car. "No, gutom ako." Supladong sabi niya na tinawanan ko lang.

"Ang tagal ni Miz?" Ako sabay sulyap sa dinadaanan ng students.

"Oh, there she is!" I exclaimed, happy to get over this situation.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang kasunod niya. It was Eron saka iyong lalaking hindi ko kilala, kaibigan niya siguro.

Mizuki traced the street slowly and typed something on her phone.

From: Mizuki
So stubborn! I said you went home but won't believe me.

Marahan akong napamura sa nabasa. Mabilis kong siniksik ang sarili sa likod ng shotgun seat. Elijah looked at me with confusion.

Umawang ang labi niya pero hindi na nakapagsalita. Bumukas ang shotgun seat at pumasok si Mizuki.

"I told you, she went home."

"Sinong hinahanap mo?" Si Eli sa seryosong boses.

"Isn't it obvious? Si Reenah." Eron answered mockingly.

"Hinatid ko na, masama ang pakiramdam." Oh Elijah and his lies!

Wala na akong narinig kasunod noon. Malakas na pagsarado ng pinto ang narinig ko. Unti-unti akong sumilip at nakahinga ng maluwag nang tuluyan ng umandar ang sasakyan.

Napamura ako at nakahinga ng maluwag. "Bakit siya sumunod?" Tanong ko sa kaibigan na ngayon ay lumingon sa akin dito sa likuran.

"I don't know! He's so pushy," She ranted and crossed her arms.

"Salamat so much!" I hugged her from the back

"Anong klaseng yakap ba 'yan, papatayin mo ba ako?" She groaned and laughed when I hugged her neck.

We laughed. Galing sa likod ay siniksik ko ang sarili sa gitna para abutin ang audio system. Minaniobra ko iyon para magpatugtog.

Namili lang ako ng iilang kanta ni Taylor doon at hinayaan nang magsunod-sunod ang tuhtog noon.

Plano kasi naming gumala ngayon kaya gagabihin ako sa pag-uwi. Itinext ko lang si Kurt na gagabihin ako kaya sinabihan ko nalang siyang kumain sa labas kung ayaw niyang magluto.

"I like shiny things but I'll marry you with paper ringsss!" Nagulat kami ni Elijah sa pasigaw na kanta ni Mizuki, may pa dabog dabog pa ng ulo niya na mas ikinatawa namin.

HE Who Saw the DeepWhere stories live. Discover now