Chapter 11

9 3 0
                                    

Maulan na umaga ang bumungad sa amin. Naghirap pa akong makisiksik sa jeep. Nang makarating sa school ay agad akong naupo sa pwesto.

"Ano ba 'yan, wala bang class suspension diyan?" Tumawa ang kaklase kong si Johann.

Mabilis na umikot ang orasan. Tanghali na nang nagpakita ang haring araw. Ang init ay mararamdaman mo sa balat.

Kasalungat ng mainit na panahon ang malamig na titig na iginawad ko kay Eron nang magkatagpo kami sa hallway. Mabilis akong umiwas at pumasok sa room kaya hindi kami nagkausap.

I sighed when I realized it's our Physical Activity later. Maingay ang mga kaklase ko dahil palaro raw ang mga activity na gagawin ngayon.

Nagtali ako ng buhok at ini-bun iyon. Iilang takas na buhok ang nahulog at hinayaan na agad iyon nang tawagin ako ni Elijah para sumunod sa mga kaklaseng papunta na sa aming gym.

"Wala kayong practice kanina? Himala," Elijah said as he put his hand above my head.

Umiling lang ako at tinampal ang kamay niya para tumigil sa ginagawa. Tumawa siya sa ginawa ko saka ako naunang maglakad.

Halos umatras ako nang sa dagat ng mga tao ay nakita ko ang mapangsusing titig ni Eron sa kinaroroonan ko. Mabilis na nagtagpo ang mga mata namin kaya mabilis din akong umiwas.

Naglakad na ako patungo sa kumpulan ng mga kaklase. Nandito na pala si sir at hinihintay nalang ang mga studyante niya na makompleto.

Mabilis siyang nagbigay ng instructions nang nakompleto kami. Ang sabi ay luksong tinik ang unang activity kaya mabilis niya kaming inigrupo, kung sino daw ang group na may mataas na score ay exempted sa exam.

"Palit kayo ni Johann para magkanumber tayo." Si Eli nang magsimulang mag counting.

Mabilis naman akong nakipagpalit. We ended up in the same group. We started the game and it's really fun not until it's too tall to be jump over.

Eli jumped first, followed by Natasia and Gavin. Kinakabahan akong humugot ng lakas nang mapagtantong ako na ang kasunod.

They are urging me to jump. I felt the pressure when I saw the seniors watching us play the game. Ayokong mapahiya sa harap ng maraming tao. Lalo na ng pagdaan ng mga mata ko sa kumpulan ng iilan ay naroon si Eron,  nakamasid sa ginagawa ko dito.

I gathered my remaining confidence and tightly shut my eyes as I stepped back to aim for a long jump.

The crowd went crazy especially my teammates when I successfully jumped over the stack of hands.

Mabilis na nagtalunan ang mga kagrupo ko at si Elijah naman ay masayang inakbayan ako.

"Mc Do ka sa'kin mamaya! " Kumindat siya at ginulo ang buhok ko. Agad ko namang tinampal ang kamay niya at tumawa.

"Sige ba," Ngumisi ako at sinundot siya sa tagiliran.

We played once more at nang may magkamali sa ibang team ay kami na ang nanalo. Our teacher announced the next game which is patintero.

Kami ulit ang magkagrupo at inilaban sa isang grupong nanalo. We played first until there's only 3 of us remaining. Ako, si Elijah at si Gavin.

"Guys, I'll trick them into thinking ako ang dadaan. Eryna mauuna ako, sumunod ka kaagad sa pagtawid sa kabilang banda. Then Gavin make sure hindi siya mahahawakan ng kalaban, distract all at once at nang malito siya sino ang uunahin. " Si Elijah sa pawisang itsura. Hinihingal pero nakangisi.

Mabilis kaming tumango at sinunod ang plano. When it's time to run, Elijah will signal.

Huminga ako ng malalim at nagconcentrate. Elijah flicked his fingers secretly and when I saw it I Immediately aimed for a short and quick run. Si Gavin naman ay dinidistract ang bantay para mabigyan ako ng oras sa pagtakas.

HE Who Saw the DeepWhere stories live. Discover now