03: Northford Academy

13 3 1
                                    

THAMINA
10:00 am

"Lola!"

Agad akong kumaripas ng takbo pagkapasok ko sa private room ni Lola. Napatingin naman siya sakin at matamis na ngumiti.

"Thamina? apo? ikaw na ba 'yan?" tanong niya.

I kissed her forehead at nagmano sakanya, "Opo, Lola," nakangiti kong sagot.

It's been 3 days since we moved here in the city, and I can't still believe that I'll be staying here for a year.

Yes, a goddamn year!

Wala daw kasing magbabantay ng bahay ni Tita habang siya ay nandito sa ospital at binabantayan si Lola. Marami daw kasing sira-ulo dito sa bayan kaya kailangan niya ng magbabantay sa bahay at magiging katuwang na din sa mga gawain. Wala rin naman kasing sariling pamilya si Tita Avie. She focused more on her small business and taking care of Lola kaya nakalimutan niya ng mag-asawa.

Huli kong punta dito ay noong hinatid namin si Lola para dito ipa-gamot. May sakit kasi si Lola sa puso at kulang ang mga equipments ng ospital doon samin kaya nirecommend ng Doctor na ilipat nalang siya dito sa bayan. 14 years old palang ako noon and it's been 4 years already.

Hinimas niya naman ang buhok ko, "Ang laki-laki mo na ah? tsaka ang ganda-ganda pa," wika niya at bahagyang natawa.

Umayos naman ako ng tayo, "Siyempre La, kanino pa ba ako magmamana? edi sayo," ani ko at nag-360 degrees turn pa.

Natawa siya, "Kalog ka pa rin talaga, Apo," sagot niya.

Kinuha ko naman ang mini chair na nasa gilid ng kama niya at inupuan ito.

"Kamusta na po kayo, La?" tanong ko.

"Asus, buhay na buhay apo, kita mo 'to?" masigla niyang sagot at buong lakas na sinipa ang isang paa sa ere.

Nagulat naman ako, "Luh! si Lola naman eh, baka mapano ka!" ani ko at hinimas-himas ang paa niya.

"Pabibo talaga 'yang Lola mo, Thamina,"

Napatingin kami sa pinto at nakita si Tita Avie na nakatayo at may dalang mga prutas, mukhang kakapasok lang ata.

"Manahimik ka nga Avie, hindi naman kita inaano," sagot ni Lola at inirapan pa ito.

Natawa na lamang ako.

Nilapag naman ni Tita ang mga prutas na dala sa table at kumuha ng isang orange at sinimulang balatan ito.

"Thamina, diba ngayon yung schedule mo sa Northford?" tanong ni Tita.

Shems, nakalimutan kong ngayon na nga pala 'yon.

Tama nga ang nabasa niyo, I'm transferring to Northford Academy. Si Tita na yung nag-process ng lahat ng requirements ko at ang tanging gagawin ko nalang ay tingnan kung saang section ako mapapadpad this school year.

"Oo nga po, pupuntahan ko lang po mamaya after dito," sagot ko.

Tumango-tango naman siya at sinubuan si Lola ng orange.

Northford Academy is an expensive school pero no choice eh, ito lang ang pinaka-malapit na school sa ospital at sa bahay ni Tita. Mabuti nga at napasama ako sa mga students na nakapasok sa transfer program ng Northford.

Ang transfer program kasi nila ay once in a 2 years lang wherein 100 students are given a chance to enter the academy without taking entrance exam and interviews as long as nakauna kayo sa slot.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now