012: Shadow Fight with the Fire

13 3 0
                                    

THAMINA
8:40 pm

Literal akong napanga-nga ng makita ang mga ranks ng mga kalaban namin. Shet, ako lang ang nag-iisang Celestial samantala silang lahat nasa Celestial Warlord na. May tiwala naman ako sa sarili ko na matatalo ko ang mga 'to, pero ewan kinakabahan ako huhu.

Siguro dahil nape-pressure ako dahil kasama ko ang Blazing Phoenix?

"Ano ka ba Thamina, focus!" pangungumbinsi ko sa sarili ko. Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi para mawala ang kaba na nararamdaman ko.

The game finally started at nasa lower lane ako naka-toka. Napatingin ako sa mapa at nakitang nasa gitna ng lower lane ang flag na dapat makuha namin. It doesn't matter actually if you don't get those flags ang importante ay yung flag sa main base mismo ng kalaban. Kaso lang nagbibigay ito ng additional mana at damage sa player na makakakuha nito.

Napako ang tingin ko sa magiging kalaban ko dito sa lane. Pinauna kong makalabas ang minions bago sumunod dito. Dumiretso ako sa isang monster at hinayaan ang sariling atakihin 'yon. Kailangan kong makapatay nito para mas bumilis ang pag-level up ko.

Konti nalang ang natitira sa life ng monster kaya mas pinag-igihan ko pa ang pagpatay dito. Isang putok nalang at mapapasakin na ang lahat ng gold na maiiwan niya.

Boom!

Panes.

Naunahan ako.

Namatay nga ang monster pero hindi naman sakin galing ang putok na 'yon. Napatingin ako sa mapa at saktong lumabas ang kalaban ko dito sa lane.

Peste, naunahan niya pa ako.

Napailing nalang ako dahil sa pagka-dismaya. Hindi ko nalang 'yon pinagtuunan ng pansin at nag-clear nalang ng lane. Napatingin naman ako sa gawi nina Ezron at Zero na pinagtutulungan ang tank user ng kabilang grupo. Zero is the tank of the team at ang gamit niyang hero ay si Rampage habang si Ezron naman ang mage ng grupo na ang gamit ngayon ay si Melody.

Ezron casts sound waves at the enemy kaya bahagyang bumagal ang galaw nito. Zero then uses his stun skill to keep the enemy in place. Hindi na 'yon pinalampas ni Ezron para atakihin ang kalaban hanggang sa namatay na ito.

Shadow has slain an enemy!

First Blood!

Napangiti ako dahil hindi ko maiwasang bumilib sa team up ng dalawa. Muli kong tinuon ang atensyon sa pinapatay kong monster. Minsan ay napapasulyap ako sa mapa baka kasi nandiyan nanaman ang peste kong kalaban at maunahan niya nanaman ako. After a few seconds, I successfully killed the monster kaya nag level up na ako, I also gained items already kaya ready nako sa pakikipagbak-bakan.

Namataan ko naman ang kalaban kong papalapit sakin. I'm using Nyx today, kaya tinutok ko sakanya ang pana at inumpisahan siyang atakihin. Nataranta naman siya pero ginantihan din ako ng putok. Konti lang naman ang bawas 'non sakin kaya hindi ako tumigil sa pag-atake sakanya.

"Aba, gago 'to ah?"

Nagulat ako dahil may pa reinforcement pala ang bwesit kong kalaban. Nandito ang tank at mage nila, bale tatlo silang nakapalibot sakin. Napag-isipan ko na ang tank ang unahin because I know that he/she will be the one to make the first move. As I expected, naunang umatake ang kanilang tank. Umikot-ikot siya habang binabangga ang sarili sakin na parang tinutulak ako papunta sa isang direksyon. Hindi ako makagalaw dahil pinapawalang bisa nito ang lahat ng skills ko.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now