07: Problem

13 3 0
                                    

THAMINA
11:45 am

"Thams, kumain ka na nga,"

Tinapunan ko ng tingin si Serine na halos mabutas na ang pisngi dahil sa pagkaka-puno ng bunga-nga niya.

"Don't mind me," sagot ko at muling pinunasan ng tissue ang screen ng cellphone ko.

"Ano bang nangyari, Maze?" tanong niya sa isa na tahimik na kumakain.

At eto na nga, naging isang friend group na kami. Nagulat pa nga si Serine kasi naging kaibigan ko ang kapatid ng isang member ng Blazing Phoenix and she said that Maze is famous here because of her brother.

Napatingin naman sakin si Maze na parang nanghihingi ng permiso kung sasabihin niya ba o hindi.

I sighed and motion her to tell it. Alam ko naman kasing hindi ako tatantanan ni Serine hangga't diko sinasabi sa kanya ang isang bagay.

"Ito kasi 'yon, kanina sa klase namin sa Art nag-tanong yung Prof. namin about what is love and art and their connection to each other," panimula niya.

"Oh, tapos?" tanong pa ng isa sabay kagat sa burger.

"Ayon si Sabrina ang sumagot,"

Serine's eyes widened, "Sabrina Delleva? the self proclaimed Queen Bee?"

Psh. Queen bee 'yon? kaya naman pala mukha siyang bubuyog.

"Siyempre, sino pa ba? so, ayon na nga siya yung sumagot and then hindi kontento si Prof. noon kaya sa mga transferees siya nag-tanong and then ang friendship na nga natin ang sumagot,"

"Tapos, tapos, ano na?"

"Teka lang kasi, mauubusan naman ako ng hininga sayo," wika ni Maze at bahagyang humugot ng hangin. "So ayon, Thamina just shared her opinion and her own definition of it and by knowing Sabrina's personality, bida-bida 'yon at inggitera kaya sumulpot siya while Thamina is speaking,"

"Aba, kainis talaga 'yang si Sabrina, grrr! pag ako napuno diyan, ay sorry Lord in advance nalang," komento ni Serine.

Pag ako rin napuno, hindi ko na din alam ang gagawin ko sa bruhang 'yon.

"So continuation, Thamina got the Prof's praise kasi bullseye yung sagot niya. Then, this happened, kinuwento lang naman to sakin ni Thamina kanina kasi pinilit ko rin naman siya tsaka halata sa mukha niya ang galit kanina. So habang nasa cr ako, tinapi ni Sabrina yung phone ni Thamina kaya nahulog at nabasag yung screen and she even threatened her," ani niya.

"Really?"

"Real na real,"

"Aba, the nerve of that b*tch. Hindi ko ugaling makisawsaw at maging tagapag-tanggol ng mga binu-bully ni Sabrina, pero pag ikaw ang naging target niya Thams..." pabitin niya at itinuro ako gamit ng kutsarang hawak, "Ako mismo ang sasabunot sakanya," dagdag niya.

"Hindi na kailangan, hindi naman ako nagpapa-talo," sagot ko.

"Pak! 'yan ang gusto ko sayo Thamina, you're such a brave person. Alam mo bang ikaw palang ang target ni Sabrina na mukhang hindi takot sakanya?" wika niya at bahagyang natawa.

Ngumisi ako, "Psh, baka siya ang matakot sakin pag nagalit nako, hayaan muna natin siya. I want to see how far she could go," ani ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa at nag-apir pa.

Napatingin ako sa cellphone kong may crack na at may kaunting scratches pa sa gilid. Tinapik-tapik ko ito dahil medyo nagla-lag na. Ang sakit sa mata na makita yung cellphone mong matagal mo ng inaalagaan ay basta-basta lang magka-ganito. Alam ko kasi na pag ito nasira, wala pa kaming pambili ng bago. Buti nalang at hindi masyado napuruhan mula sa pagkakahulog kanina, medyo basag lang at mahirap ng pindutin.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now