013: With the Fire

18 3 2
                                    

THAMINA
7:27 am

"Thamina, kamusta?"

Napatingin ako sa bumukas na pinto ng kwarto ni Lola at niluwa nito si Tita.

"Okay lang naman po, napakain ko na po si Lola," bungad ko at napasulyap kay Lola na nakatulog na habang nanonood ng TV.

"Oh siya sige, ako na bahala dito. Mukhang may pupuntahan ka ata," sagot niya at ginulo ang buhok ko. Tinungo niya naman ang table kung saan nakapatong ang remote at pinatay ang TV.

Napatingin naman ako sa suot ko. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Sunday ngayon at kahapon, ako ang naka-toka sa pagbabantay kay Lola kaya dito na rin ako nagpalipas ng gabi. Ngayon din kami gagawa ng project ni Apoy. Actually, kanina pa nga ako china-chat 'non kung asan na daw ako, miss na ata ako eh.

"Ah opo, gagawa po kasi kami ng project," sagot ko at sinimulang isilid sa bag ang mga gamit ko.

Napatango-tango naman si Tita, "Sige, mag-ingat ka ha?"

Napangiti naman ako at isinukbit ang bag.

"Mauuna na po ako, Tita! pakisabi nalang po kay Lola," ani ko bago lumabas ng kwarto.

Halos lakad takbo na ang ginagawa ko dahil baka mainis nanaman sakin ang kontrabida ng storyang 'to.

Ting!

Ting!

Speaking of the devil...

Blaze Fièrro
Asan ka na?

Tumipa naman ako, hindi ko na mabilang kung nakailan na siya ng tanong sakin kung asan na daw ako.

You
Sa puso mo.

Bwesitin ko kaya 'to?

Natawa ako sa naisip kahit alam kong pagsisisihan ko din 'to mamaya. Sige lang, mamaya pa naman 'yon.

Blaze Fièrro
Kakatawa 'yon?

Nagpigil naman ako ng tawa dahil sure akong umuusok naman ang ilong nito with matching kunot-noo pa.

You
Bakit sinabi ko bang matawa ka?

Blaze Fièrro
Stop talking nonsense at bilisan mo na dahil naiinis nako.

Eh di mainis ka, pake ko sayo.

You
Manigas ka diyan.

Blaze Fièrro
Matigas na nga.

You
huh?

Blaze Fièrro
huh?

Ngina, pinagsasabi nito?

Blaze Fièrro
Just please, get your ass in here. Nagsasayang ka ng oras alam mo ba 'yon?

Napa-irap naman ako.

You
'San ba tayo magkikita?

Blaze Fièrro
School.

You
K, sasakay na ng taxi kamahalan. 🙄

I scoffed when he replied me with a like emoji. Napaka-attitude naman nito masyado.

Agad akong nakipag-patintero sa mga sasakyan para makatawid at maka-para agad ng taxi. Sakto namang may taxi na pumarada at nagpababa ng pasahero kaya ako na ang pumalit doon.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now