04: Encounter with the Fire

11 3 0
                                    

THAMINA
9:19 am

"Bilisan mo na! asan ka na ba?" naiirita kong tanong sa kabilang linya.

"Otw!"

"San banda?"

"On the water! hahahahah,"

Bwesit talaga 'to.

"Sabi mo bumabyahe ka na? shuta! 30 mins na wala ka pa din. Saang galaxy ka ba nanggaling ha?!" singhal ko.

"Ang oa, oa nito, eto na nga malapit na talaga!" wika niya pa.

"Marami tayong pag-uusapan pagdating ko diyan!" dagdag niya.

Napa-irap nalang ako at pinatay ang tawag. I opened my PC at napagpasyahan nalang na maglaro muna.

Isa pa, 10 gems nalang at makaka-draw na ako sa celestial draw at kapag papalarin ay ang celestial skin ni Iris ang mapapanalunan ko.

I entered the rank mode, buti nalang at hindi nila bi-nan si Iris dahil kung hindi magwawala talaga ako dito, eme.

The game started at mapayapa akong dumadaan sa upper lane ng may biglang umatake sakin na assassin user. Buti nalang at malapit ako sa pillar kaya nakapasok ako at hindi niya na nagawa ang binabalak niyang pagpatay sakin.

Hiroshi: Target locked: Viper

Chat nito.

Imong mama target locked.

Napailing-iling nalang ako. Isang mayabang na kalaban nanaman. Pinindot ko ang switch weapon skill ni Iris. A bright red light appeared and it reveals a grenade launcher. Pindot lang ako ng pindot para i-clear ang mga minions. Mas effective kasing gamitin ang grenade launcher sa early game dahil mas mabilis itong mag-clear ng lanes.

Hindi ko pinansin si Hiroshi na panay bantay sakin sa labas ng pillar.

Tumaas ang kilay ko, imbes na bantayan niya ako dito ay sana nag-jungle nalang siya para naman maka-tulong pa siya sa mga kasama niya, tsk.

Crush ata ako neto eh.

Napatingin ako sa map ng hindi ko na siya makita. Kaya napag-isipan kong lumabas ng pillar at pumatay ng monsters since I need it for my items.

I equipped Iya at pinaulanan ng bala ang isang monster. I successfully killed it after 20 seconds. Tiningnan ko naman ang kalagayan ng core namin na kasalukuyang nasa turtle. Napansin ko namang papalapit sakanya si Hiroshi which serves as their core at ang isang mage na kalaban para patayin siya at agawin ang turtle mula samin.

I quickly tap the controls at inilapit ang hero ko sakanila. Agad kong tinungo ang bush at doon nagtago. Pinalitan ko naman ang weapon ko ng sniper. Tinutok ko ito sa mage user na kalaban na busy sa pagtulong kay Hiroshi na pinapatay ang core namin. I waited for the right timing, nang malapit ng maubos ang health niya ay pinutok ko na ang sniper. Dumiretso ito sakanya and the first kill falls into my hand.

Viper eliminated dancingqueen_!

First Blood!

Panay parin sa pag-atake ni Hiroshi animo'y wala itong pakialam sa kakampi niyang kakamatay lang. The sniper reloaded at napag-isipan ko ng lumabas sa bush at makisali sa gulo nilang dalawa. Dumistansya ako sakanila para makakuha ng maayos na target. Konti nalang ang life ng turtle at hindi ko hahayaang makuha ito ng kalaban.

Our core can't attack him and attack the turtle at the same time at naka-focus lang siya doon sa turtle kahit halos maubos na ang life niya. Pinutok ko ang sniper kay Hiroshi at nakatulong naman ito sa pag-bawas ng health niya.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant