PROLOGUE

323 9 0
                                    

Year 2018...


MAUIE'S POV

It was my first day here at Vergara Medical Hospital. Kakapasa ko bilang isang ganap na doktor.

Hindi biro ang mga pinagdaanan ko bago ko marating kung ano ako ngayon. After passing the examination. VMH called me para alukin ako ng trabaho.

Sa nasabing hospital doon din ako nag OTJ. Recommended ito ng School na pinasukan ko. It was the San Juan University College of Medicine. Sa pagkaka alala ko doon din nag aral ng medisina si Doc. Cathryn Kate Vergara, isa sa anak ng may Ari ng Hospital na ito. Same din kami ng tinake na specialist.

Nakilala ko lang siya ng oras na ng OJT namin. Isa siya sa naging Trainor namin kahit na medyo baguhan pa rin sya.

Siya din pala yung sikat na musikero at mananayaw sa University namin. Kaya bilib din ako sa taong to. Napagsasabay sabay nya lahat at nag ttake pa sya ng another units para maka graduate agad.

"Good morning Doc Maureen" bati ng head nurse sa akin.

Isa din ito sa naka close ko buhat ng trainee days ko

"Good morning po, Hanggang ngayon po hindi pa rin po ako sanay haha"

"Dapat masanay ka na. Yan na ang itatawag sayo ng lahat. Halika ihahatid na kita sa magiging opisina mo"

"May sarili po akong office?"

"Actually pang dalawang tao ang opisina na meron dito. Ang mga Vergara lang ang mag tig iisang office. At located yon kada floor. Di'ba alam mo naman na yon? Then yung office nyo is pang dalawahan. Depende din sa specialist ng doctor na yon. Ngayon dahil wala ka pa namang kasabayan solo mo ang opisina sa third floor"

"Ahhh okay sige po"

Habang nag uusap kami ay bigla namang naagaw ng atensyon ko ng dalawang doctor na kakapasok lang din. Pareho silang matangkad, pero mas naagaw ng atensyon ko nung isa. Maputi ito kumpara sa kasama nitong babae.

Mapapasabi ka nalang ng "shuxx ang ganda nya. Para syang si Mama Mary sa ganda nya"

Parang lord kukunin mo na ba 'ko? Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na maraming beses na nagka crush ako sa babae kaysa sa lalaki. Ewan ko ba basta may madali akong ma attract sa babae.

Wala namang masama di'ba? Crush lang naman. Mabalik tayo.

"Good morning mga Doktora" bati ulit ng head nurse sa kanila.

"Good morning din po Nurse Bea" bati ng magandang babae

"Good morning po Nurse Bea" wika din ng isa.

"Kamusta naman ang mga nakaraang araw nyo?"

"Great, nag eenjoy naman po kami sa First week namin dito diba Doc Brielle?" Sagot pa ng magandang babae

"Yes naman Doc Thea. Hanggang ngayon Hindi pa rin ako sanay na tinatawag kang Doc haha"

So, Thea pala ang name nya. Ang ganda ahh. Kasing ganda nya.

"Naku kayong mga bata kayo. Parang itong si Doc Mauie ganyan din ang sagot sa akin kanina. Nga pala mga Doktora, this is Doc Maureen Ricalde also a Cardiologist at first day nya ngayon. Doc Mauie? This is Doc Althea Rain Arceta and Doc Gabrielle Apuli"

"Good morning po, nice to meet you po" bati ko kahit na medyo kinakabahan. Ewan ko rin kung bakit ba ko kinakavahan.

"Nice meeting you too Doc Mauie" si Doc Gabrielle ang unang bumati at nakipagkamay sa akin

Tinanggap ko naman yun ng buong puso. Pero hindi ko in- expect na ganoon din ang gagawin ni Doc Alther na with a beso pa. Like? Nakakahimlay. Ang bango nya My god. Pwede na talaga akong kunin ni Lord. Ay joke lang pala. Kasisimula ko lang pala sa trabaho.

"Good luck to our journey here at Vergara Medical Hospital" aniya pa.

"Thankyou po"

"Don't use po. Jusko I feel old"

"Ay sorry. Hindi po sinasadya"

"Hindi daw sinasadya pero meron pa rin" nakahalukipkip pang turan nya

Napakamot nalang ako ng aking Batok dahil sa kahihiyan.

"Haha joke lang. Paano mauna na kami ah?? See you around. Nurse Bea akyat na po kami."

"Sige mga Doktora. Salamat sa oras ninyo"

"Naku wala po yun" si Doc Gabrielle ang sumagot.

Pag alis nila ay ako naman ang binalingan ni Nurse Bea.

"Alam mo bang napakabait ng mga yon? Baguhan lang din sila"

"Halata naman po sa kilos nila. Same year lang po kami?"

"Alam ko hindi. A head sayo si Doc thea and mas bata naman sayo yung isa ng isang taon lang din. Kaso sabay lang kayo naggraduate ni Doc Brielle dahil mas maraming Units ang kinuha nya kada sem kumpara kay Doc. Thea."

"Ahh kaya po pala. Iba po pala talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa propesyon no?"

"Talaga, tulad mo at ni Doc CK kumuha ng dagdag units para maka graduate kaagad. Ganoon kayo ka dedicate sa mga pinsok nyo. Kaya good luck"

"Salamat po"

"Tara na hatid na kita sa office mo"

Paghatid nya sa akin sa office ay nag paalam na rin sya dahil may mga aayusin pa daw sya. Ako naman ay inayos ko ang magiging pwesto ko.

Maliit lang ang opisina at pang dalawahan nga rin ito gaya ng sinabi ni nurse Bea, ngunit may nakaharang pa rin na glass wall para na rin siguro sa privacy ng bawat isa.

After kong maayos lahat at pinuntahan ko naman si Doc Vergara dahil sinabi ng isang  nurse na pinapatawag daw nila ko sa meeting room.

Dahil galing na rin naman ako dito. Hindi ko na masyadong ininda kung nasaan ang meeting room na sinabi nila. Dahil doon din naman nila kami tinitipon kapag may pag uusapan kami.

Pag pasok ko ay naroon na silang lahat, nahiya pa ko ng bahagya dahil pagbukas ko ng pinto ay naka tingin lahat sila sa akin.

"Good morning po. Sorry po I'm late"

"No Doc wala pa naman ang takdang oras. Sadyang maaga lang talaga silang dumating" pampalubag loob ni Doc Vergara.

Kumpleto rin dito ang pamilya nya kaya lalong nakaka pressure.

Naupo naman ako sa isa sa tatlong bakanteng upuan sa may bandang edge ng mahabang mesa.

And later on ay muling bumukas ang pinto at inuluwa doon sina Doc Thea at doc Brielle na ngayon ko lang napansin na wala pa din pala sila dito sa loob.

Bumati din ang dalawa at humingi ng paumanhin. Gaya ng pagtanggap nila sa akin, ganoon din ang ginawa nila sa dalawang huling dating at pinaupo na sila.

I didn't expect na sa tabi ko sila uupo at shux tumabi pa sa akin ang Crush ko natameme naman ako dahil ang ganda nya talaga.

"Hi Doc" bati pa nya

"Hi ulit"

Nang magsimula ang meeting ay nasa katabi ko lang ang aking atensyon. Hirap akong makapag focus lalo na naka harap kami sa may kanang bahagi namin at saktong nasa kanang side ko sya kaya sya tuloy ang nagiging view ko.

Ang agang pagsubok naman nito lordd.

___________________________________

Aarangkada na huhuhu. Sana maging maganda din kalabasan nito huhuhu. Kinakabahan ako. Malala

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now