20

167 12 0
                                    

MAUIE'S POV

Sikat ng araw na tumatama sa aking mukha ang nagpagising sa akin ng umagang yon. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ibang kwarto ang namulatan ko.

Nasa condo nga pala ako ni Ai. When I looked beside me, she was gone. Ang aga naman nyang magising? tinignan ko ang orasan sa may bedside table nya at nakita kong 6:30 pasado palang. hinanap ko sya kaagad at nakita ko kaagad sya sa may sala nagpapatuyo ng buhok  malapit sa balcony. 

Bumalik ako sa kwarto para makapag ayos. May nakalabas na rin na twalya at bathrobe pagpasok ko ng banyo nya, mayroon ding nakalabas na toothbrush at kung anu ano pa. napangiti nalang ako dahil sa pag aalaga na ginawa nya. ganoon din sya kahapon paggising ko sa bahay nila may mga gamit na rin na naka ready pagpasok ko ng banyo, wifey material talaga itong napili ko, Thank you Lord.

nang matapos ako sa ginagawa ko ay lumabas na ulit ako, para sana makapag presinta na magluto ng almusal para sa aming dalawa.  Doon ko pa rin sya naabutan na namamalantya naman ng hospital gown naming dalawa. nilabhan nya ba to? 

lumapit ako agad sa kanya at niyakap ko sya mula sa likod. 

"Goodmorning Ai, ang aga mo po?"

"namantyahan kase itong hospital gown ko kagabi diba? Eh wala naman na kong extra dito sa Condo kaya nilabhan ko nalang kanina"

"Bakit pati sakin, nilabhan mo?" 

"Wala dinamaay ko lang din hehe lukot na rin kase oh kay nilabhan ko na rin. madali lang naman syang natuyo"

"änong oras ka gumising?"

"dont worry 5am lang po okay?"

"Sana iginising mo ko para natulungan kita.

"Ito naman, ayos lang yun"

"Ano nalang  meron sa fridge mo? ako na magluluto habang ginagawa mo yan"

"The food is already done my love.  Just sat there and wait for me." aniya kinikilig ako sa love pero hindi ako nagpahalata. Ayaw ko syempre mawalan ng angas sa harap nya kahit na napaka clingy kong tao.

"ang daya naman talaga oo." wika ko pa "paano mo nagawa lahat ng yun sa loob ng isa't kalahating oras?"

"Hindi naman binabantayan ang laundry ehh. tyaka hayaan mo na ko. Dito lang ako nakakabawi sayo ehhh"

humigpit pa lalo ang pagkakayakap ko sa kanya dahil sa sinabi nya. kailangan ko talagang bumawi bukas.

"Anong balak mo bukas?" Tanong ko

"Wala naman. Tulad pa rin naman ng dati. Trabaho sa umaga tapos dinner sa gabi kasama kayong girls" paliwanag naman nya.

Hinanger na rin nya ang huling damit na natapos nya at humarap sa akin pagkatapos.

"Kain na tayo?" Tanong pa nya

"Okay po, ako magtitimpla ng kape."

"Ay, I love it. Alam mo ba ang ang sarap ng timpla mo sa kape."

"Talaga?"

"Oo hindi ko lang sinasabi noon kase nga lagi mo kong inaasar. Tapos yun nga nang matikman ko. Yun yung coffee na hinahanap ko. Para bang pang coffee shop ang atake"

"Asuss. Nambola ka pa"

"Totoo po yun."

"Tara na nga. Ipagtitimpla na po kita sige." Biro ko pa tyaka ko an sya hinila papuntang kusina. Habang iniinit nya ang mga food sa microwave ay nagpainit na rin ako ng tubig gamit ang electric kettle, tyaka na rin ako nagtimpla ng kape para sa aming dalawa.
.
.
.
.
.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now