2

183 12 5
                                    

ALTHEA'S POV

Simula sa unang araw ng kanyang career ay hinangaan ko na talaga si Jaden.

Hindi lang dahil sa Physical looks nya. Maski na rin sa  kung paano sya maglabas ng mga musika.

Ang ganda din ng boses na na talaga namang nakaka inlove.

Tatlong taon simula ng makilala ko si Jaden at tatlong taon na din akong fan nya.

Fan lang naman ehh, pero hindi pa rin maiwasan na hindi ako mag delulu. What if makaharap ko sya? Siguro isa din ako sa mga taong magpapapansin sa kanya.

Then kamakailan lang nabalitaan ko na kaibigan pala sya ni Stevie? Napalatanong pa nga ko sa sarili ko kung paano eh. Kase naman diba? Kung papansinin ang personality ni Stevie, ibang iba sa personality ni Jaden. Kaya paano sila naging close?

Wala din akong makalap na bago mula kay Stevie dahil kahit mag bestfriend daw sila ay hindi naman sila nag uusap ng masinsinan. Wala silang oras sa isa't isa dahil napapanisan lang din naman daw ng laway ang isa dahil sa katahimikan ng isa.

Wait kilala nyo na ba ako? I'm Althea Rain Arceta. Eldest daughter of Sebastian Arceta and Almira Grace Arceta na silang nagpatayo ng Don Sebastian State University. Hindi ko sinasabing ganon kami kayaman kita ko naman kung paano nagpursige sina Mommy para itaguyod ang University na yon.

May dalawa akong nakababatang kapatid na sina Storm na may edad na 25 at isang Mechanical Engineer sa Bansang Australia at Dane naman ang bunso namin na nasa edad bente at nag aaral pa bilang isang Dentista sa nasabing bansa. Magkasama sila doon at sya ang nangangala sa bunso namin.

Actually hinihikayat din ako nila Daddy na mag migrate sa Australia pero ako na rin ang tumanggi dahil mas kailangan ako dito. At mas gusto ko na dito ako mag serbisyo. Even though mas malaki ang kikitain don kapag doktor ka.

And also wala ng makakasama sina mommy pag nagkaganoon. Kaya walang pagdadalawang desisyon ay nagpaiwan na lang ako dito.

Nagkaroon naman ako ng mga kaibigan dito. Nadagdagan pa nga bukod kay Brielle ehh.

Brielle is my College friend, isa sya noon sa mga representative ng year level nya then naging irregular student sya dahil nga andami nyang tinake na units para maka graduate agad. Hanga ako sa kaibigan kong iyon. Bukod sa tutok nya sa klase, namamanage pa nya ang buong university hanggang sa maihalal sya bilang sunod na Vice president ng Campus. Doon kami lalong naging close sa isa't isa na halos sa bahay namin lahat ginagawa ang mga ginagawa sa Campus. Kapag may biglaang activity ay sa bahay talaga kami natutulog para matapos lang ang nga yon. But then nauna akong nag graduate sa kanya ng isang taon. Pero Hindi agad ako naghanap ng trabaho. Kahit na ilang beses na kong tinatawagan ng mga hospital.

But my loyalty is sa VMH talaga fahil bukod sa partnership na nabuo sa pagitan ng mga Arceta at Vergara. Masasabi ko talagang dream hospital talaga ang VMH ng mga doktor. Maayos ang pamamalakad nila sa naturang gusali. Mababait ang mga tao at tama sa pagpapasweldo.

Nagpahinga muna ko ng isang taon dahil sa sobrang drain na ng utak ko. At hinayaan lang din naman ako ng mga magulang ko. Yun din siguro ang naging dahilan kung bakit gusto nila na magpunta din ako ng Australia.

After a year nakapasa naman din si Brielle sa Board exam at doon na nya ko nahikayat na mag apply na ng trabaho kaya halos sabay lang din kami nagsimula.

And now? Limang taon na kaming dalawa dito. Masaya kami sa trabahong meron kami at nakabuo na ng samahan kasama ang tatlo na doktor dito.

Ako ang pinaka matanda pero hindi naging dahilan yon para ma out of place ako sa kanila. They treat me like their true ate. And na lessen yung sadness ko dahil sa kanila. Simula kase ng umalis sina Storm at Dane sa bahay ay wala ng tumatawag na ate sa akin. Nakaka miss din pala kahit papaano na may nangungulit sa akin minsan. Napapatanong pa nga ako, kung kailan sila babalik dito. Oh sadyang doon na sila maninirahan.

Hindi kami nakakapunta doon dahil may mga kailangan kaming asikasuhin dito. Ganoon din naman silang dalawa. Hindi sila nakaka uwi dahil una, busy si Storm sa trabaho nya and abala din si Dane sa Acads nya.

But in the help of this four ladies, napunan lahat ng lungkot na yon. Walang araw na hindi nila ko napapatawa. Even Mauie, okay naman kami noon. Nakaka usap ko naman sya ng matino but ng magsimula na kong humanga kay Miss Jaden ay lumabas naman lalo ang pagiging makulit nya. Na tila laging ang trip nya.

She always say na wala naman akong mapapala sa kakatitig ko sa phone ko. Hindi naman din daw nya ko mapapansin sa personal, who cares di'ba?

Hindi naman ako Inis kay Mauie, kaibigan ko pa rin sya kahit na ginaganun nya ko. Iniisip ko nalang na sadyang mapang asar lang talaga sya at ako ang laging trip asarin.

"Ate Thea" tawag sa akin ni Brielle pag pasok nya ng opisina naming dalawa

"Yes, why?"

"Wala lang hahaha. Tulala ka nanaman kase dyan ehh"

"Akala ko naman kung ano na"

"Wala pa rin bang balita?"

"Saan?"

"Kay ano"

Alam ko na kung sinong tinutukoy nito. Sadyang gusto ko lang syang asarin para kahit papaano ay nakakaganti ako sa kanya.

"Sino nga?"

"Ate, alam mo naman yun ehh. Alam mo namang crush ko ang bunso nyo kaya grabe ang pag titiis ko sa kanya."

"Sino ba kaseng may sabi sayo na palayain mo sya?"

"Para din naman sa ikabubuti nya yun ehh"

"Sus, kunwari ka pang aayaw ayaw sa kanya. Kunwari ka pang tinataboy taboy mo sya noon. Oh tapos ngayon ano? Namimiss mo?"

"She's too young then ate. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap nya sa buhay"

"Alam mo Gabrielle. Na'sayo naman yon ehh. If you truly love that someone. Pwede mong pagbigyan ang mga sarili nyo. Walang makakapigil kapag si kupido na ang tumama."

"But ate, she's a 15 years old then"

"But nag start syang magustuhan ka, she's 14? Or 13? Do you think na hanggang sa mag 16 sya puppy love pa rin yung nararamdaman nya para sayo?"

"Basta naniniwala ako na may tamang panahon para sa aming dalawa. And isa pa. Kapatid mo ba talaga yon? Kung makabugaw ka naman sa bunso nyo"

"Haha, alam mo Brielle. Kilala kita and proud ako sa ginawa mo na pagpapalaya sa kanya kahit na alam kong napakabigat para sayo non. Hinayaan mo syang mag grow in her own ways, ang hindi ko lang alam ngayon kung ikaw pa rin ba ang gusto nya. For almost five years na hindi natin sya nakakasama. Malay mo makahanap na sya ng Afam doon"

"ATE!!"

"Haha bakit?"

I know everything about them. Simula sa paghanga ng kapatid ko kay Brielle, sa pagpigil ni Brielle sa sarili nya para kay Dane, yung paglapit ni Dane sa akin gabi gabi para umiyak dahil hindi daw sya pinapansin ni Brielle ng mga Last year nalang nila dito sa Pinas? At ganoon din si Brielle na laging tulala noon? Lahat ng yun alam ko. Ako ang naging saksi sa pagmamahalan nilang dalawa.

Pero sabi nga ni Brielle diba? May tamang oras para sa kanilang dalawa. Kung sila talaga? Sila talaga. Gagawa ng way si God para sa kanilang dalawa.

And Hanggang ngayon nananatiling matatag pa rin si Brielle at matyagang naghihintay sa kapatid ko kahit na walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba sila dito. Or kung pagbalik nila dito sa Pilipinas ay si Brielle pa rin ang gusto ng kapatid ko.

Hindi natin alam kung anong nakatadhana para sa kanilang dalawa. Basta ako lagi lang akong nasa tabi nila at patuloy na magiging ate nila kahit na anuman ang mangyari.

__________________________________

Short update for a while. Minamando ko pa po sarili ko hahaha.

Hindi talaga ako sanay sa ibang shipp

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now