1

244 13 2
                                    

Present time..

MAUIE'S POV

Limang taon? Mag aanim na taon ko ng hinahangaan ang isang vabaeng naging kaibigan ko gawa ng nabuo naming samahan dito sa loob ng hospital.

Limang taon na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maamin sa kanya na gusto ko sya.

Masyado kase syang maganda at ayokong masira yung pagkakaibigan na meron kami.

Sa limang taon na yon saksi ako sa lahat ng emosyon na meron sya. Pasimple akong naka tingin sa kanya sa tuwing may kausap syang iba.

Kaya alam ko din ang paghanga na meron sya para sa isang sikat na musician dito sa Manila.

Si Jaden Lim. Sumikat ito dahil sa mga kanta nitong mapanakit. At nakilala sya ng lahat dahil din sa cold treatment nya daw sa ibang tao.

Lalo tuloy akong nawalan ng kumpyansa sa sarili ko dahil sa bagay na yon.

"Doc Mauie ano na?" Turan ni Doc Stevie na syang kasama ko sa office ng halos apat na taon na.

"Huh? May sinasabi ka ba Doc?"

"Hay naku naman talaga. Saan nanaman lumilipad yang utak mo Doc?" Turan pa nya

"May naiisip lang ako"

"Hindi ka na nawalan ng iniisip. By the way. Doc Thea and Doc Brielle asking us if sabay tayong mag lunch sa kanila"

"Wala namang bago don diba?"

"Sabagay haha. Si Doc Ck lang naman ang hindi natin nakakasabay simula ng makabalik sya dito"

"Busy sa pasyente nya yon."

"Ya nga ehh. Hindi na mahagilap"

"Hayaan mo na, hinabilin sa kanya ni Doc Vergara yun ehh"

"Tara na kaya?"

"Sino va hinihintay mo?"

"Ikaw lang naman dear. Nandoon na rin sa Canteen yung dalawa"

"Bakit hindi mo agad sinabi?"

"Ayyy kasalanan ko pa? Pasalamat ka matanda ka sakin kundi kanina pa kita nabatukan"

Ako nga pala si Maureen Ricalde. Pangalawa sa apat na magkakapatid at isang abogado naman ang panganay namin. Habang ang sumunod naman sa akin ay Arkitekto ang kinuha. At ang bunso ay nasa grade 12 high school palang at sya ang nag iisang lalaki sa aming magkakapatid.

Swerte ako dahil nagkaroon ako ng pamilyang mapagmahal. Hindi ko naramdaman ang pressure sa pag aaral. Sadyang ako lang ang nagpapressure sa sarili ko haha.

Masayahin din akong tao, taliwas sa inaakala ng iba na masungit daw ako dahil hindi ako namamansin. Paano ko sila papansinin kung focus ako sa pag aaral noon?

Pero ngayon na bawasan na yon.

Dito sa hospital ang halos nagiging pasyente ko ay mga bata. Sakto na mahilig ako sa mga bata kaya everytime na may papasok dito para sa monthly check up ay tuwang tuwa ako.

Si Doc Stevie ang naka close ko ng husto sa Hospital na to. Sya din kase ang kasama ko sa opisina. Bale isang taon din akong walang kasama sa loob ng office. Hanggang sa dumating nga sya. Gaya namin ay nagtake din sya ng extra unit para makapagtapos agad.

Pero kahit na close kami. Hindi ko pa rin masabi sa kanya ang paghanga na meron ako kay Doc Arceta.

Ewan. Basta ayoko lang sabihin.

Kahit anak ng may ari ng VMH si Doc CK ay naka close pa din namin sya. Isang taon din namin syang hindi nakita at nakasama dahil sa seminar na dinaluhan nya sa ibang bansa.

Changes In My LifeWhere stories live. Discover now