16

222 10 6
                                    

MAUIE'S POV

Oras na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dahil ba nasa ibang bahay ako? Or dahil katabi ko ang taong pinakamamahal ko.

She was hugging me so tight while peacefully sleeping beside me. Ganito pala talaga ang feeling no? Akalain mo yun? Yung taong pinaka mamahal ay mahal din pala ako?

It's all worth it. Worth it lahat ng sakripisyong ginawa ko. Alam kong may tamang panahon para sa aming dalawa. Sabi nga doon sa nabasa ko online. Kung kayo talaga? Si god ang gagawa ng way para pagtagpuin kayong dalawa.

Then it happened a while ago. Hindi ko talaga expect na same lang kami ng nararamdaman para sa isa't isa. I always thought na si Jaden na ang laman ng puso nya. Di'ba? Kahit sino naman siguro ay magseselos at mawawalan ng pag asa.

Sa isiping yon lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa katabi ko. Para bang ayaw ko syang mawala sa tabi ko. At naging dahilan yon para maalimpungatan sya at napa ungol

"Hmmm" anas nya

"Sorry Ai" bulong ko

Umayos ito ng pagkakahiga paharap sa akin ay bumuka ng kaunti ang kanyang mga mata

"Can't sleep?" Tanong nya kahit halata naman sa boses nya na antok pa sya.

"I can't, lalo na dyosa ang katabi ko"

"Tss, bola" aniya sabay pisil sa tingki ng ilong ko"

"Totoo naman po eh. Tulog ka lang dyan"

"How about you?"

"Don't mind me. Sanay ako sa puyatan. Ikaw ang kailangan magpahinga. Baka may operation ka pa mamaya"

"Nakakakonsensya naman kung hahayaan kita na gising habang ako natutulog, bakit ba hindi ka pa natutulog?" Tuluyan ng bumukas ang kanyang mga mata at tinitigan ako ng mataman.

"Marami lang akong iniisip"

"Tulad ng ano?"

"Marami, tulad ngayon. Yakapin ka ng ganito ka higpit? Makatabi ka sa pagtulog? At lalong lalo na yung ganitong feeling na para bang mag asawa tayo na nakahiga sa iisang kama? Damn I want to kiss you, pero kailangan kong pigilan ang sarili ko."

"Bakit mo naman gagawin yon?"

"Dahil nirerespeto pa rin kita. I don't want to took advantage to you. May tamang panahon para sa bagay na yan. Yung five years nga nagawa kong maghintay diba? Ano pa kaya yung kiss la--"

Naputol ang anumang sasabihin ko ng bigla nya kong patahimikin gamit ang mga labi nya na dumampi sa labi ko. Like for real.

She also grab my waist para mas lalo akong mapalapit sa kanya. It was my first kiss, and she took of it.

Banayad ang paghalik nyang iyon. At sinasabayan ko lang ang mga kilos nya. Thinking na first kiss nya rin ba? Dahil sa bawat kilos nya ay parang eksperto sya.

Nagsimula na kong madarang sa palitan namin ng halik. Napahawak pa ako sa batok nya para palalimin ang halik na pinagsasaluhan namin.

Damn this girl so much. Binabaliw nya ko minu minuto. Kakasabi ko lang na nirerespeto ko sya tapos biglang ganito? Lord naman sabi ko nga po mahal mo ako. Napasobrahan naman po ata hehe.

Naghiwalay lang kami ng kakapusin na kami pareho ng hangin.

"That was so good" hinihingal na wika ko. Pinagdikit ko pa ang aming mga noo "pero bakit mo ginawa yon?"

"Bakit ayaw mo ba?"

"I love it, pero kasasabi ko lang na nirerespeto kita ehh"

"Ramdam ko naman yon, at na appreciate ko yung sinabi mo. Eh sa gusto kitang halikan ehh. May magagawa ka ba?"

Changes In My LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora