3

44 3 0
                                    


“ sigurado kang okay ka lang Rosela?” tanong ni Mariana sa kanyang kaibigan. “ namumutla ka. Nakapagpacheck up ka na ba?” 

“hindi pa, pero alam ko rin naman na ang resulta Mariana. Pagod na ako” 

“huwag kang ganyan. Aalis pa naman ako” nag-aalalang tugon ng kaibigan. “huwag kang mag alala andiyan naman si Rafael, I will tell him to take care of you. siya na ang bahala, hindi ka niya pababayaan” then she smiled at her.

TRES

Hindi ko alam kung paano sasabihin na may meeting sa school. Hindi ko alam kung sino ang dadalo o kung meron man.

"Rose? Bakit matamlay ka?" tanong sa akin ng teacher namin. Napansin niya sigurong nakatunganga lang ako roon.

"Teacher, pwede po bang walang dadalo sa akin? Busy kasi sila sa bahay. I don't think someone is going to attend the meeting for me" sabi ko.

"Pero importante na may makadalo sayo kasi may pag uusapan na importante? Pwede ko namang kausapin ang family mo" I was fidgeting. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Kung wala talaga, I'll take notes nalang for you and I'll discus it with your guardian" tumango ako sa sinabi niya.

Tomorrow is my 9th birthday. Sakto sa araw ng meeting sa school.

Birthdays were supposed to be exciting, ngunit salungat ito sa nararamdaman ko ngayon. Habang papalapit ang araw na iyon, kinakain ako ng takot at sakit.

Instead of celebrating my birthday, we were mourning again. We visited papa's grave. Ang tahimik ng buong bahay. Kahit isang kaluskos wala kang maririnig it was eerily quite. Nakakasakal ang katahimikan.

Pinagpapawisan ako ng malala kahit nakabukas ang aircon sa kwarto ko. Nasusuka ako, hindi ko alam ang gagawin. I hindi ako makahinga. I went closer to the window to open it but it didn't help.

Both my hands were clutching on the carpet for support while I gasped madly for air. Parang hindi makapasok ang hangin sa baga ko.

Help... I need help...

There was a knock on the door. I slowly turned to look at the door. Pero matapos ang ilang katok ay huminto lang din ito. Pumatak ang luha ko.

Papa...

I can't breathe

"Yes you can. Take in some air slowly and don't panic. Exhale slowly and do it all over again until you feel better"

So I did just that. Slowly and slowly. Don't panic. Don't panic.

Parang milagrong nakapasok ang hangin sa baga ko. Hindi ko napigilang umiyak. Akala ko katapusan ko na.

Biglang may kumatok uli pero ngayon tuluyan na niyang binuksan ang pintuan at siya na mismo ang pumasok. I saw Manang Jingjing enter. Tumigil ako sa paghikbi. Minsan akong napagalitan dahil sa pag iyak ko. Kaya pinipigilan ko nang umiyak kung saan maririnig ako ng ibang tao.

"Rose? Kumain ka na ba? Tapos na silang lahat baka gusto mo nang kumain?"

Sa lahat ng kasambahay si Manang Jing lang ang maayos ang pakikitungo sa akin. Alam ng iba na ayaw ng pamilya ko sa presensiya ko kaya naman umiiwas na rin sila sa akin.
My grandparents were the same. Mula ng masigawan ako ilang buwan na ang nakakaraan hindi na uli ako lumapit sa kanila. Nagtatago ako kapag nariyan sila o di kaya ay umiiwas ako pag alam kong nasa paligid sila. Minsan hindi na ako lumalabas ng kwarto. Ayokong makasira ng oras.

"Hindi ka ba gutom?"

"H-hindi po. Salamat... Salamat po" buong pusong sabi ko. Salamat sa pag tatanong. Itinulog ko nalang ang pagod sa kaarawan ko.

I tried pleasing them. Yung mga kaunting bagay na pinapagawa nila ginagawa ko. Kasi baka lang pagnakita nilang mabait ako, mahalin nila ako. Baka lang magbago ang pakikitungo nila sa akin.

"Oh please, she was really trying her best. She's at the top of her class right?"

"Aba dapat lang, pinapaaral siya sa mamahaling skwelahan yun lang hindi niya magawa?"

"Still, I'm pleased" napangiti ako sa sinabi ni  aunt Martina. Kahit yun lang masaya na ako. Hindi ako pabigat. May pakinabang ako kahit papaano.

Same routine sa gabi dahil hindi na ako makatulog ng maayos. Nagigising ako kaya lumalabas ako at pumupunta sa kwarto ni mama. Isang taon mula nang mawala si papa ay hindi na ako umiiyak sa labas ng pintuan ni mama.

Umaalis lang ako doon pagmaguumaga na at bumabalik sa kwarto ko. Nakasanayan ko na ang bagay na iyon. Minsan kung may milagrong makatulog ako sa kwarto ko at hindi ako bangungutin hindi na ako pumupunta sa kwarto ni mama. Pero minsan lang yun.

Whenever I have panic attacks naturuan ako sa nurse sa school kung paano kumalma. Natuon isang beses nagpanic ako sa school kaya nadala ako sa clinic. She told me how to calm myself down if I'm on my own.

"Alam mo, may kaibigan yang mama mo. Matalik na kaibigan" sabi sa akin ni manang jing. "Pero maagang namatay. May sakit, namana ata" sabi niya.

"Kahit na ganyan yang mama mo ngayon alam ko, mahal ka nun. Minahal nga niya ng sobra ang ibang tao ikaw pa kaya"

"Alam ko naman po" I know she loves me. Galit lang siya ngayon pero alam ko mahal niya ako.

"Nakikita mo naman ang improvement diba? Lumalabas na siya ng kwarto niya. Darating din ang panahon Rose, mag antay ka lang. Yayakapin ka niya ng mahigpit" tumango ako.

My tenth birthday came and passed by like the wind. Walang nakapansin. Walang nakaalala. Akala ko nga malilimutan ko na rin ito pero hindi pala.

Unti unting nabuhay ang pag asa kong mababalik ang dating relasyon namin ni mama dahil kumakain na rin siya kasama namin. Hindi nga lang niya ako tinitingnan pero masaya na ako roon. Minsan kinakausap ko siya pero hindi siya sumasagot. But that didn't stop me.

Every now and then I make time for her. Binibigyan ko siya ng roses galing sa hardin. Nilalagay ko sa vase. Nakakapasok na rin ako sa kwarto niya pero hindi ako pwedeng magtagal.

The improvements were making me ecstatic kunti nalang. Kunti nalang talaga.

"I thought Margarette is coming back, bakit palaging hindi natutuloy?" tanong ni Uncle Markus. Nasa hapag kami ngayon at kumakain.

"She was busy again. Nagbalikan na naman siguro sa asawa niya"

"They're divorcing. Yun ang huling alam ko. Minsan hindi ko alam kung matalino ba yang kapatid mo o hindi"

"Maureen"

"What kuya? Still your favorite sister?"

"Bakit kayo mag aaway rito? May mga bata tayong kasama" Si aunt Martina

aunt Maureen looked at me. "Kung tapos ka  na sa pagkain Rose, why don't you play with Dew. Maglaro muna kayo sa labas" I excused myself and waited for Dew to step down his chair.

We played outside.

"Dito lang tayo Dew, mapagalitan tayo pag lumayo tayo" sabi ko sabay hila sa kanya pabalik sa bahay. Hindi naman siya umangal kasi magkasundo kaming dalawa.

"Do you know Ate Stella?"

Umiling ako sa tanong niya. Hindi ko pa nakikilala si Stella. She's the cousin I never knew.

"I like her like I like you. You'll like her" ngumiti ako sa kanya. Yes. I think I'll like her. She sounds like the stars.

Love me, RosalieWhere stories live. Discover now