4

59 3 0
                                    


“maligayang pagbabalik, Mariana!” sabik na sabi ng kanyang ina. Mahigit isang taon din siyang wala sa Pilipinas kaya naman ay sabik na sabik na siyang makita ang munting kaibigan.

“Si Rosela? Kailangan ko pa siyang bisitahin” nakangiting tugon niya.

“hindi ka ba pagod?” may lungkot sa mga mata ang kanyang ina. 

“hindi pa po, kailangan kong makita si Rosela. Marami akong ikukwento sa kanya mama”

“ I am sorry… Rosela is gone” isang mensahing hindi kayang paniwalaan ni Mariana. 

QUATRO


I met stella when I was fourteen

Sa takot kong makakuha ng atensiyon na maaaring magdulot ng problema para sa kanila ay natuto akong dumistansiya. Ang pagiging uhaw sa pagmamahal mula sa taong hindi ka kayang mahalin ay isang napakalaking balakid. Isang maliit na atensiyon lang mula sa kanina or kung kanino man ay magtatanim ng kasakiman sa puso mo.

One taste of it and you'll want more

Ayokong maging sakim

Natutunan ko ang lahat sa napakahirap na paraan. I learned to control my emotions. Hindi masusulosyunan ng pag iyak ang problema. From then on I chose not to try. Kung kaya ko pa ang sakit hinding hindi na ako iiyak.

My life was peaceful that way. I can see mama from a far kahit na tuluyan na niya akong hindi tiningnan. I understand her pain. Masakit pero kung ako rin ang nasa sitwasyon niya, alam kong higit pa ang galit ko. I was just happy that she still let me stay here with her even after everything that has happened.

"Hey!" hindi ko makakalimutan ang boses na iyon. She was vibrant. Her long natural wavy hair swayed with the gentle breeze. Nakangiti siya sa akin.

Kakagaling ko lang sa school at araw ng byernes. She waved at me like she wanted to be my friend.

"You are Rosalie, right?" tanong niya. Tumango ako.

"I'm Ariastella but you can call me Stella, Elle or whatever you want. Pwede ring bestfriend! I'm your cousin!" she was so excited. Parang batang pupunta sa favorite place niya. I was once like that, over the years the glow in me faded. Parang kandilang unti unting naupos hindi na lumiwanag pa.

I gave her a soft smile.

"Hindi ka happy?" naalarma ako sa tanong niya. I don't want to annoy or upset anyone.

"I'm happy..."

"Parang napipilitan ka naman e. Bahala ka, mula ngayon ako na ang bestfriend mo. Wala ka nang magagawa, nakapagdesisyon na ako" she was pouting as she declared that. This was the first time na may nag offer ng friendship sa akin.

I didn't mind. The lesser they notice you the better.

"Second year high diba? Classmate siguro tayo. Dapat classmate tayo! Samahan mo akong mamili ng gamit ko bukas a, hindi ko kasi kabisado ang lugar" sabado bukas. May part time job ako sa hapon hindi ako pwedeng lumiban.

"Kaso, may lakad ako bukas, Elle. Hindi kita masasamahan" I said in a calm way. I was expecting her to be in dismay and get mad pero nakangiti lang siya sakin. Yung ngiting nanalo sa jackpot. She was smiling from ear to ear pero hindi kita ang ngipin niya.

Why is she smiling..

"Aww, you called me Elle. Mula ngayon no one is allowed to call me that. Ikaw lang dapat" niyakap niya ako. Hindi ako nakagalaw.

"My gosh! You smoke? You smell like cigarette" umiling ako. Hindi ako naninigarilyo. Naalala ko ang nangyari kanina sa school.

"May n-naninigarilyo kanina. Nakatapat sa akin. Pasensiya sa amoy" paumanhin ko.

Love me, RosalieWhere stories live. Discover now