Province

71 3 0
                                    

Still Aries POV

Its been 4 hrs of travel. Nakarating din kami sa probinsya where my family owns a villa. Dito muna kami magstay ng 1 week. Kanina pa kami dito pero hindi pa gising si Tel. Gigisingin ko na din dapat kanina pero sinabihan ako ni Tay Alfred na bukas pa naman daw siya bibyahe sapagkat may pinapaayos pa si Mama sa kanya rito. At nangako din siyang siya rin ang susundo samin after a week.

Nasa loob na lahat ng gamit namin, narito ako sa may garden at nakatambay habang nakikipagkamustahan kay Steph.

"O bat busangot yang mukha mo", ani niya.

"Kasama ko siya. Ang akala ko Fam Vacay, napapayag ako ni mama. Huli na kaninang malaman ko.", paliwanag ko.

Biglang natahimik ang kabilang linya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Cristel POV

Kanina pa ako gising..

Narinig ko ang tanong ni kuya alfred.
Narinig ko rin ang sagot ni Aries😌

Masakit. Nakakapanghina. Parang gusto ko na lang umuwi pero nakakahiya kina tita pag di nila ako naabutan rito mamaya😞

Masyado ko talaga siyang nasaktan.
Masyado akong nagpakaselfish to the point na nasira yung taong gustong gusto kong pahalagahan😭

Bumangon na ako at inayos ang mukha ko tsaka lumabas ng kotse. Nakita ko si kuya alfred na nagaantay sakin sa may labas.

"Gising kana pala iha. Nakatulog kaba ng maayos?"

"opo kuya"

"Ano kaba iha, hindi ka naman iba sa akin. Tay Alfred nalang." ani nito na nakangiti.

Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti at tinanong kung asaan si Aries. Yeah. Dapat simula ngayon ARIES na ang itatawag ko sa kanya. Ginusto ko siyang tawagin na Ries noon dahil Tel ang tawag niya sakin, subalit ngayon babalik na ang dating tawag ko sa kanya. Yun ay yung mga panahong estranghero palang kami sa isat isa.

"Nasa may Garden Iha, pumasok kana lang jaan sa gate na yan", turo niya sa gate na itim.

Naglakad ako papunta roon. Bakas sa mukha niya ang poot habang nagdadial siya sa phone niya. Habang palapit ako, ay narinig ko ang sabi niya.

"Kasama ko siya. Ang akala ko Fam Vacay, napapayag ako ni mama. Huli na kaninang malaman ko."

Kusang tumigil ang mga paa ko habang naglalakad palapit sa kanya.

Unti unting nabasa ang mga mata ko dahil sa mga luhang kusa na palang tumutulo ng hindi ko nararamdaman.

Mabilis akong tumalikod at tumakbo sa kwarto sa Villa nila at nagkulong doon. Aantayin kona lang na dumating sila Tita nang makapagpaalam na ako ng maayos.

Ayoko na dito.

Gusto ko nang umuwi.

Yung huling salitang binanggit niya bago ako umalis.

"Steph."

Nakakadurog lang. REALQUICK😭




Aries POV

Biglang humagalpak ng tawa si Steph dahil sa sinabi ko at tinukso niya ako kaya sinigawan ko siya😏

Madami pa kaming napagkwentuhan ngunit nang makita kong palubog na ang araw ay nagpaalam na ako. Niloko pa ako na miss ko lang daw si Tel. Tarantado talaga😬😬😬

Pagkapasok ko sa Villa naabutan ko si Tay Alfred na nagluluto na ng hapunan namin.

"Tay gising naba siya?"

We BelongWhere stories live. Discover now