Prologue

4.5K 45 5
                                    

"I hate the feeling unimportant to the people that are important to me"

---

Ano nga ba ang pakiramdam ng mahalin? Yung maramdaman mo ang pagmamahal mula sa mga kaibigan, kamag-anak at higit sa lahat ang pagmamahal na nagmumula sa pamilya? Yun bang pag pumapasok ka sa eskwela nanjan yung mga kaibigan mo naghihintay na dumating ka, yung sama sama kayong kumakain, nagkukwentuhan at masayang nagtatawanan na tila may sariling mundo pag nagkasama sama.


"Love is in the air" Sabi nila anyone can feel the love. Well in that case I'm exempted. Yes I give 'Love' but they never Loved me back. Siguro pag  naramdaman ko na yung pagmamahal lalo na kung galing sa pamilya ko, I'll be the happiest girl in the world. Handa akong gawin ang lahat, ay mali, ginagawa ko na ang lahat pero hindi ko parin nararamdaman ang pagmamahal ng mga tao sa paligid ko. Mahirap ba akong mahalin? Bakit hirap na hirap silang ibigay yung konting pagmamahal para saakin?


Syempre hindi ako susuko sino ba naman ako para sukuan ang pamilya ko diba? Laking pasasalamat ko pa nga kasi binuhay at pinapakain nila ako. Ginagawa nila ang tungkulin nila saakin bilang magulang, pinapa-aral at sinusustentuhan din nila ako. Pero kahit na ganun nararamdaman ko na may kulang. Matatawag niyo ba akong selfish pag sinabi kong kulang talaga? Kulang kasi hindi ko nararamdaman ang pagmamahal galing sakanila oo nga nandito sila kasama ko pero parang wala lang ako sakanila. After nilang gawin ang mga responsibilidad nila saakin wala na. They treated me like a wind parang wala ako sakanila.



Kung bibigyan ako ng pagkakataon at papapiliin ako mas gugustuhin ko yung kahit walang pera, kahit hindi na mag-aral basta masaya kami, yung mamahalin ako ng mga tao sa paligid ko. Tapos mahal na mahal ako ng magulang ko tapos turing nila saakin isa sa mga mahahalagang kayaman na natanggap nila sa buhay nila. Yung hindi ko na mararamdaman na I'm worthless, Gusto ko pag mamatay ako maraming iiyak, yung hindi ako unwanted sa mata ng mga tao. Pakiramdam ko kasi pag mawala ako sa mundong to magiging masaya pa sila, mawawalan sila ng pabigat at responsibilidad sa buhay. Well sino nga naman ako para iyakan nila diba? Kahit nga titigan ako sa mukha ng matagal hindi nila nagagawa.



Btw. I'm Abhor Dela Vera, halata naman sa pangalan ko diba? Abhor, pinasosyal lang sa salitang hate pero ganun parin ang meaning they Loathed me at hindi ko alam ang dahilan. I'm the unwanted girl. 'The girl that Loves her family very much but they don't feel the same way for her'. Kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sakanila ay siya namang doble ng  galit at inis nila saakin. Pero hindi ako susuko alam ko isang araw matututunan din nila akong mahalin gaya ng pagmamahal nila sa mga kapatid ko .


The Unwanted DaughterWhere stories live. Discover now