Pagkukulang - 29th March

24 0 0
                                    


Hindi madaling magmahal.


Siguro sa una, madali lang. Kasi doon mo mararamdaman 'yung paglutang sa mga ulap habang naliligaw ka sa mga mata niya. Doon nagkakaroon ng kahulugan 'yung mga bituin, 'yung araw, 'yung buwan, naiuugnay mo sila sa kaniyang mata, labi at boses. Doon nagkakaroon ng tuloy-tuloy na ingay sa utak mo na puro siya lang 'yung binabanggit. 


Madali lang magmahal sa una. Madali lang ding mapamahal sa tao. Pero mahirap kapag nagtagal. 


Noong nagmahal ako, nagkulang 'yung taong 'yon. Marami siyang hindi naibigay sa akin na dapat kusa nang binibigay. Pero ako, nagkulang din ako. Sa istorya ng iba, ako 'yung hindi nagbigay pabalik, ako 'yung walang  oras, ako 'yung nagsisinungaling, ako 'yung nanakit. 


Minsan, kahit mahal mo, hindi mo talaga maibibigay lahat. Wala e , walang perpekto sa mundo. Kung walang perpektong tao, wala ring perpektong pag-ibig. Hindi naman lahat ng pagkukulang e masama na agad. Ang importante, sinusubukan mo, sinusubukan niyo. Alam niyong sa kahit anong sakuna, nariyan lang ang isa't isa kasi naghanda na kayo para doon, oo, gano'n kayo kalakas.


At kung siya naman ang nawalan ng gana at humina, ikaw naman ang lumaban.

Sun and MoonWhere stories live. Discover now