CHAPTER 1: THE FIRST DAY OF SCHOOL

31 2 0
                                    


UNKNOWN'S POV

Nasa eskwelahan ako ngayon. Nakasuot na itim na damit at nakasumbrero na hinding-hindi nila makikita ang mukha ko. Unang araw kasi ngayon.

Madaming mga taong nakilala ko na dati ngunit hindi nila ako kilala. Tama na rin siguro na hindi para mas makakuha ako ng palihim sa mga impormasyon nila.

Nakita ko si Pran halatang kabado siya ngunit kita ko sa mga ngiti niya ang pagkasabik nito. Ang mas malala pa nito ay parehas kaming nasa room 12 1/6.

Naglalakad ako sa hallway patungo sa seksyon ko. Dapat maging mas maingat ako dahil imposibleng hindi ako nakilala ni Pran dati at baka, baka bumalik ang memorya niya.

"mr. please watch you steps" bumalik ako sa realidad hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.

"Pasensya na may iniisip lang ako kaya hindi kita napansin," yumuko lang ako baka makita niya ako ngunit subukan ko mang tingnan siya ay hindi ko magawa.

Pamilyar kasi ang boses niya.

"It's okay, parehas pala tayong nasa 12 1/6." Sambit niya at tumango naman ako.

"Prae, halika, dito ka umupo para magkatabi tayo," sambit ng babae, kaibigan niya siguro ito.

Pero Prae??? biglang bumilis ang kaba ko. Hindi maaari. Hindi pwedeng nasa iisang seksyon kaming tatlo. Dapat mas maging maingat pa ako.

PRAN'S POV

Nakaupo na ako at kinakabahan pa rin. Sobrang expensive ng mga estudyante dito. Pilit ko mang pansinin sila ay hindi ko magawa baka hindi ako pansinin ng mga 'to.

Maya-maya pa ay biglang may kaganapan sa labas ng pinto. Hindi ko nalang ito pinansin dahil mas tinuunan ko ng pansin ang paligid ko ngunit napukaw ang attention ko sa lalakeng nakaitim at may sumbrero.

Nasa skwelahan pero ang weird niya.

"Prae, halika, dito ka umupo para magkatabi tayo," sigaw ng babae. sobrang ingay naman nito. Nilingon ko ang babaeng tinutukoy niyang Prae.

shit.

'yong babaeng nag post.

dali-dali akong nagtago sa bag ko pero imposible namang kilala niya ako kaya nanatili nalang akong kalmado. Wala namang nakakakilala sakin dito. Binalik ko sa pinanggalingan ang bag ko tsaka inayos ang buhok ko.

"Sis, 'di ba siya 'yon?"

"hala oo nga, puntahan mo sis"

"kausapin mo nasa likuran mo na oh"

"cute naman siya"

"puntahan mo ah"

Rinig kong bulong-bulungan ng mga kaklase kong babae. Alam ko namang pogi ako pero huwag niyo namang ipahalata na may gusto kayo sa akin.

Lumingon ako sa babaeng nagpost sa socmed. Tinitigan ko siya ng maayos. Gusto ko sana siyang iapproach ngunit nakalimutan ko na naman ang pangalan niya.

Kinamot ko ang noo ko upang maalala ang pangalan niya ngunit hindi ko talaga maalala. Nasa dugo na siguro namin ang pagkaulyanin. Hindi na ako kumibo pa dahil pumasok na ang professor namin.

"Magandang umaga mga mag-aaral, ako ang iyong professor hask Guillervo dito sa class 12 1/6. Alam niyo naman siguro na nasa unang seksyon kayo. Kaya I'm expecting a lot from you"

kumunot ang noo ko. Ito na naman tayo sa expecting a lot porket nasa unang seksyon.

PROFESSOR HASK'S POV

Sobrang kaba ko dahil first time kong naghandle ng unang seksyon. Kailangan ko maging mas estrikto sa kanila upang makuha ko ang loob nila.

Nagpakilala ako sa sarili ko. Walang ingay at good feedbacks lamang ang natanggap ko mula sa kanila. Sigurado ako na mababait ang mga estudyanteng ito.

"For our officers, let's start from President. Anyone who wants to volunteer their self to be the class president?"

as usually, walang ingay parin ang naganap. First day of school kasi ngayon kaya sigurado akong hindi pa nila kilala ang isa't isa.

"Sir. Hask, I nominate myself as the class president," sambit ng isang estudyante habang tinataas ang kaniyang kanang kamay.

tumango naman ako.

"May I know your name, student?"

"I am Pran Narcello" Sinulat ko ang pangalan niya at kita ko naman na responsable siyang maging class president at halata ito sa mukha niya.

"For our vice President, any nomination?"

"Sir. Hask, I nominate Lirhu"

Good.

"For our secretary, please nominate."

"Excuse me, Sir" Napahinto ako sa pagsusulat ng tinawag ako ng isang estudyante. Maganda, mabait, at magalang.

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now