THE FIRST DAY OF SCHOOL

12 2 0
                                    

UNKNOWN'S POV

Buong klase ay tahimik lang ako. Lahat ay nagkilahok sa nomination ng class officers ni Sir Hask. Hindi nila batid na napinagmamasdan ko sila. Nakatitig ako sa dalawa. Hindi maalis sa mga mata ko ang bawat kilos nila.

Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay halos wala na ang mga kaklase ko. Nakita ko si Pran at Prae na naguusap, tanging silang dalawa lamang.

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap nila at dali-dali akong lumabas patungo sa hallway. Unti-unti na nilang makikilala ang isa't isa. Hindi pa ito ang simula, naguumpisa pa lamang ang lahat.

PRAE' POV

Unang araw ng klase ramdam ko na may mali sa class president namin na si Pran. Paanong hindi makikilala e ni like niya 'yong post ko at ang mas nakakainis pa non ay siya lang ang nagreact ng ganon. Hindi naman kami friend sa fb.

Ang taas ng confident niyang maging president ha, pero sabagay deserve naman niya siguro sa posisyon na iyon. Feel ko maaasahan naman iyon.

Bumalik ako sa realidad. Nandito kami sa cafeteria ng mga kaibigan ko. Cafeteria talaga agad ang pupuntahan namin habang hinihintay ang susunod na subject. Buti nalang may ganito dito hindi na kailangan pang lumabas.

"Prae, kinausap mo na ba siya?" Tanong saakin ni Kiegh

Lumingon ako kay Kiegh, kahit kailangan ang chismosa talaga nito. "Oo, kanina pagkatapos ng klase" ani ko.

"anong sinabi mo sa kaniya?" tanong naman ni Farah.

"Pina-unlike ko na sa kaniya 'yong post ko, tapos ayon umalis na ako" sambit ko at tumangon naman sila saakin.

"Ang weird ng officers natin. Akalain mo President at Vice Pres ay mga lalake." sambit naman ni Ploy habang iniinom ang paborito niyang coffee.

"Sus, pinili lang kayo dalawa ni Lorhen eh" sambit ni kiegh dahilan upang tumawa kaming lahat.

"At ba't nadamay dito si Lorhen? inonominate ko lang naman sana 'yong kaklase nating naka itim kanina. Malay mo maging extrovert 'yon"- Ploy

napahinto ako sa ginagawa ko. Napansin rin pala niya iyon. Iyon 'yong nakabangga ko kaninang umaga ngunit nanatili na lamang akong tahimik.

"hala, oo nga 'no. Napansin ko rin sila. Siguro mahiyain lang talaga 'yon." -Farah

"Okay guys, balik tayo doon sa mga officers na iyon." -kiegh

"Okay sige, alam niyo ba..."

Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila dahil abala ako sa paligid. Nakakamiss pumasok sa paaralan. Parang kailan lang nung mga bata pa kami.

Napukaw ang attention ko sa lalakeng bumili sa cafe, nakaitim ito at nakasumbrero. Parehong-pareho sa kaklase namin at siya nga

Tiningnan ko ito ng maayos, hinubad niya ang kaniyang sumbrero at nakita ko ang mukha niya. Medyo malayo ngunit kitang kita ko ang itsura niya.

Pinagmamasdan ko siya ng maayos ang susunod na gagawin niya ngunit napansin niyang tinitingnan ko siya.

Kaya umiwas ako ng tingin.

Tinakpan ko ng libro ang mukha ko.

Ngunit ng pagtingin ko ulit ay wala na sila.

Saan naman kaya iyon pumunta?

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now