FRIENDSHIP BUILT

7 2 0
                                    

FARAH'S POV

Simula na ng klase ngunit kanina ko pa napapansin na hindi kumikibo si Prae, siguro may iniisip na naman itong malalim. Nasa upuan na rin kaming lahat, hindi pa kasi pumapasok ang professor namin 6 minutes na ang nakakalipas.

Maya-maya pa ay dumating na si Sir Hask, may dalang maraming libro. For sure madami na namang isusulat. Ngunit ang nangyare ay sobrang layo sa expectation ko.

"Okay class 12 1/6, dismiss" sambit nito tsaka umalis at iniwan ang libro sa kaniyang lamesa.

1: 19 pa lang. Lahat ay nagsigawan dahil sa kasiyahan. Maliban nalang sa amin. Unang araw sa eskwelahan ngunit ang aga rin ng uwian?

Niligpit ko ang mga gamit ko 'tsaka pumunta sa dorm namin. Medyo malayo-layo kasi ang dorm dahil kailangan pa naming pumunta sa pinakamahabang court bago makarating.

"Farah," tawag sa akin ni Ploy kaya lumingon ako.

"Ano 'yon?"

"huwag ka munang magmadali, pumunta muna tayo sa library" sambit nito at sumang-ayon ang lahat.

"Hindi ba kayo nagtataka?" lumingon sila sa akin at tinitigan ako ng maayos. Nag-aantay sa susunod kong sasabihin.

"Ang aga natin umuwi at tayong class 12 1/6 lamang ang nasa labas, lahat sila ay nasa kanya-kanyang room nila. Ni hindi ko rin nakita si Sir Hask dito sa paligid"

kumunot ang noo ni Kiegh, ano na naman kaya ang sasabihin nito.

"Farah, masyado kang nag ooverthink. Kaya nga maaga tayong umuwi dahil nasa unang seksyon tayo tsaka ano ka ba ang laki ng eskwelahan sa tingin mo makikita mo si Sir Hask dito?" pantataray saakin ni kiegh pero may point naman siya hindi lang talaga mawala sa isip ko ang pagdududa.

Dumeretso ako pauwi at sila na lamang ang pumunta sa library. Papunta ako sa 6th floor kung saan nandon ang dorm namin sa class 12 1/6. First section nga pero nasa dulo naman ang dorm.

Wala ring elevator o kahit aircon man lang dito. Sobrang weird ng dorm na ito hindi naman ganito ang dorm sa ibang seksyon.

Nakakatakot dito kaya binilisan ko ang paglalakad, halos wala rin akong makita dahil walang ilaw dito kaya biglang nakabangga akong tao.

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now