CHAPTER 3: THE UNKNOWN DEATH

8 2 0
                                    


PRAE'S POV

Maaga akong nagising dahil naghanda ako ng agahan namin. Inaayos ko rin ang mga gamit ko na gagamitin sa school.

inayos ko ang lamesa at naghanda na ng pagkain, gising naman na silang lahat kaya siguradong hindi kami malalate nito.

"Girls, kakain na tayo. Nakahanda na ang lahat." Tawag ko sa kanila at umupo na ako sa lamesa.

Maya maya pa ay dumating na silang tatlo.

"Wow, Prae. Dabest ka talaga" pagpupuri ni Ploy sa akin.

Ningitian ko na lamang siya at tinuunan ng pansin ang pagkain ko.

"Akalain niyo pinaglutuan niya tayo tapos ang sarap sarap pa ng pagkain" -kiegh

"teka, sandali. Basahin niyo muna ito," rinig kong sambit ni Farah at pinakita ang nasa telepono niya kaya tiningnan ko ito.

"Ano na naman 'yan Farah? Kumain kana nga muna dyan" -kiegh

"Hindi, tingnan niyo kasi 'yong nangyare kagabi sa school"- Farah

"Ano meron?" Tanong ko kay Farah, nacucurious na talaga ako sa paaralan na ito, hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"May... teka.... um.... ayoko sabihin kasi kumakain tayo. Tapusin muna natin 'to tsaka doon natin malalaman mamaya sa school ang lahat"

Dali-dali kaming nagmamadaling tatlo except nalang kay Kiegh na walang pake sa lahat. Ganyan na talaga ito mula pa nung dati saka lang na eexcite kapag interesado siya sa isang bagay.

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now