Chapter 6 : Ninang Fran

233 19 29
                                    

AN: Wala lang, picture you can hear haha meet Ninang Fran (Francesca from prev Darna series)
Wala eh baldado ako sa leg day so todo na to

***









NARDA's POV


"Aah! Aray! Aray naman po Ninang eh!'

Binitiwan na din ni Ninang Fran tenga ko na nag-iinit sa sakit after nya lapirutin.

"Ikaw na bata ka! Akala ko naman rerebelde ka lang sa Papa mo! Nagalsa-balutan pala! Tapos, ako pa ginawa mong getaway neto!"

"Araaaay!"

Piningot pa nya yung kabila huhuhu

Hinawakan ko parehas tenga ko at inilagan yung kaltok nya sa ulo ko kaya napaupo ako.

"Asaan Lola ko at si Ding?" Tanong ko sakanya habang naiiyak sa sakit.

Nameywang sa harapan ko si Ninang. Mukhang galing sya sa flight kasi naman laging naka-scarf pag nagpa-fly fly yan eh tapos sobrang gayak na gayak. Akala mo nalaban pageantry sa mga flight stewardess.

"Kasama bodyguard ko. Juice ko anakshie! Five years! Yung hinihingi kong pasalubong sayo walang dumating! Nabahaw na ang suman at kakanin!"

"Eh naman ninang, naghahanap ka padin po ng suman? May puto dyan!"

Tinuktukan ako ni Ninang Fran sa ulo. Wala padin talaga sya pinagbago.

Si Ninang Francesca lagi takbuhan ko simula mawala si mama. BFFs kasi sila, at naging anakin na daw nya ako kasi nabyuda sya maaga sa Tito ko. Sa tuwing nagaaway kami ni Papa o every school breaks noong menor de edad ako, sa kanya ako nagpapa-tago. Sya na din sumasalo sakin pag may kalokohan ako.

"Nandito ka lang pala all this time. May paletter letter ka pang nalalaman you don't want to be found ka dyan! Malaman-laman ko secretary ka ng kasing-ganda kong si Regina Vanguardia!"

"Weeeh?"

Inambaan ako ni ninang at agad ako umilag.

"Eh paano mo po nalaman Ninang? Pinasundan mo ko?"

Aambaan nya ako ulit pero tumigil at napabuntong hininga sya, tapos nilabas cellphone nya. Tumipa-tipa sya at ipinakita sa akin yung post ni Miss Ella na may picture namin ni Regina.

"Mm! Yan!"

Tiningnan ko si ninang ng nakanganga.

Hala shit.

Di ko to alam. Kung ganon alam na nila nasan ako?

"Di mo manlang ako hinanap, kinamusta, winelcome. Welcome meeee! Ganern!" Reklamo nya ng exaggerated na naman.

"Uuwi ka makangiti ka pa wagas. Pero ang pretty pretty mo anakshieeee!" Tili nya bigla at pinanggigilan mukha ko.

"Haha nagmana ka talaga sakin! Wait! Girlfriend mo na ba si Atty. Regina?"

"N-Ninang! No!" Tangi ko na lang nasambit dahil sabay-sabay isipin ko.

Kung hyper ako ano pa kaya tong si Ninang Fran! Bilis magswitch neto.
Di nakakatulong tong si Ninang ih. Pero ito na nga lagot ako sa kanya.

"Wait lang Ninang! Di ako nagamit social media eh malay ko ba." Nakawala din ako sakanya. "Alam nila kung nasan na ko. Ninang ayoko po umuwi."

Tumigil si ninang at humalukipkip.

"At baket? Naisip mo ba paano nagkagulo after three months ni anino mo di sumulpot? Muntik na kami mag-warlalu ni Papa mo! Pasalamat ka shopal ang peys ko."

CLOSER 2U (REGINARDA/DARLENTINA FIC)Where stories live. Discover now