Chapter 9 : A threat to MC

196 17 15
                                    




NARDA's POV

Hindi na ako nakapag-paalam agad kay Lola dahil after ng tawag ni Kuya Echo sakto na dumating si Bogs sa tapat ng bahay dala sasakyan nya. Dumiretso na sya mag-drive pagkasakay ko.

"Hoy anong nangyari?" Tanong ko na kinakabahan.

Napabuntong hininga si Bogs.

"Nalaman na ni Tito na pumayag sina Kuya sa project ng RV & Co. Hayun nagalit lalo nang malaman nya na kasama ka. Buti nalang may naka-standby na doktor at dalawang hired nurse sa bahay kaya naagapan nila agad pagka-bigla nya."

"Teka! Bakit naman magagalit si Papa dahil dun?" Tanong ko na kinakabahan.

"Di ba dapat alam ni papa yan prior na tinanggap nyo tong proposal? This is going to be as good as a soft launch ng mapipihong new partnership!" Di ko maiwasan magtaas ng boses.

Namutla si Bogs sa tingin ko. Pero shet! Nanginginig ako kasi natatakot din ako sa pwedeng mangyari kay Papa. Kahit naman galit ako dun ayaw ko na mawala sya. Naalala ko usapan namin ni Lola Rosi kagabi.

Napapikit ako at nahawakan ulo ko. Bwisit! Di ko talaga sinasadya mainis kay Bogs.

"I'm sorry, Bogs." Bulong ko at tumango sya ng may pag-aalala ang tingin sakin.

Tahimik lang kami. Tinawagan ko na din si Lola para ipaalam na kailangan kong umuwi kay papa at di ko pa alam kung anong oras ako makakabalik.

Nasa labas ng syudad ang Custodio residences. Maya maya pa ay pamilyar na ang daanan na tinatahak namin na maraming mga puno at iilan lang mga bahay bahay dahil mostly lote ng mga farm. Hanggang sa sumapit na kami sa isang papasok na driveway patungo sa may malawak na itim na gate, kung saan may dalawang gwardya na armado.

Nakilala naman nila si Bogs. Pagpasok namin sa loob ng hacienda, nakita ko na may naka-abang na ambulansya. Pati sasakyan ni Kuya Echo sa harapan ng mansyon ni Papa.

Hinawakan ni Bogs ang kamay ko at pinisil kasi kinakabahan ako sa pagbalik ko dito. Yung memories kasi...

"Ipapaliwanag daw ni Kuya Echo sayo. Pero Narda, kailangan ka kasi namin bumalik na dito. I'm sorry kung nabigla ka bunso."

Pinisil ko din kamay ni Bogs at tumango nalang. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari bakit biglaan na di nagkasundo-sundo sila. Eh si Kuya Echo never naman na di ipinaalam ang galawan at plano ng department nya kayna Papa.

Parang di maganda ang pakiramdam ko din sa galit ni Papa kasi kilala ko sya. Ganyan sya pag may itinatago.

Sabay na kaming bumaba ni Bogs at pumasok sa loob.

Agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Nanay Ina, pinakamatagal na tauhan na dito sa bahay.

"Narda! Anaaak!" Naiiyak na tawag sakin ni Nanay.

Yinapos ko pabalik si Nanay.

"Jusmio anak! Ang tagal ka naming di nakita! Kamusta ka na ba? Naku, parang pumayat ka. Di mo ba naaalagaan sarili mo?"

Aligaga nyang tanong habang pinupunasan ang luha nya gamit scarf nya na mukhang isa din sa mga regalo ni Ninang Fran.

"Ayos naman po ako Nanay Ina. Balikan ko po kayo saglit ah."

"Kikitain po namin sina Tito." Sabi ni Bogs at binati ng yapos si Nanay.

"Pasabi po sa iba na wala munang aakyat maliban sa doktor at nurse."

Tumango si Nanay at agad na tinawag ibang kasambahay habang nag-diretso na kami sa third floor kung nasaan ang main bedrooms at office.

Nakita namin si Kuya Echo sa may balkonahe katabi ng hallway at sinalubong sya.

CLOSER 2U (REGINARDA/DARLENTINA FIC)Where stories live. Discover now