Prologue

618 5 0
                                    

"Mama saan po ba tayo pupunta?" tanong ko kay mama habang nakahawak ako sa kanang kamay niya habang naglalakad kami sa subdivision ewan ko ba? kay mama at bakit nilakad namin pa ito ang layo layo, kanina pa nga kami lakad ng lakad napapagod na nga din ako.

"Pupunta tayo sa bestfriend ko kasi birthday ng anak niya." Tumango na lang ako kasi di ko naman kilala yung sinasabi niyang bestfriend niya.

Kaya pala nagtataka din ako kung bakit pinasuot ako ni mama ng bestida na kulay dilaw at may design na bulaklak, regalo sakin ni papa bago siya mamatay.

Minsan na rin akong nabubully sa school dahil sa itsura ko dahil mahaba ang buhok ko na hanggang bewang ko at nakasalamin ako tapos medyo kikay kasi ako magsuot ngayon lang
talaga ako nakapag ayos ng dahil kay mama.

Di naman kasi ako mahilig sa ganon gusto ko lang tahimik at magbasa araw araw parang routine ko na sa araw araw dahil ayaw naman nila ako kaibiganin dahil na rin sa itsura ko.

"Oh andito na tayo." dun lang ako napukaw ng magsalita si mama. Napatingin ako sa tinignan niya at napaayos ako ng salamin at napanganga ang laki ng bahay tapos madaming ilaw tapos may mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas pa lang kitang kita mo na ang sala dahil na rin sa salamin.

Parang nakakahiya umapak sa sahig nila kasi sobrang kintab nakikita kona nga ang sarili ko sa sobrang kintab ng sahig tapos ang ganda ng sofa nila pa U yung shape tapos may maliit na mesa tapos malaking tv grabe ang yaman naman ng bestfriend ni mama.

"Athena." napatingin ako sa harap at napanganga ako ng makita ang isang ginang nakasuot ng isang hapit na dress na nagpapakita ng kurba ng kanyang bewang tapos sa itsura niya ay parang nasa mid 20s siya may katabi siya na sigurado ako na asawa niya naka formal ang damit at seryoso na kung tititigan mo sa mata ay manginginig ka sa takot, habang hawak sa bewang ang ginang.

"Lynlyn." Masayang nagyakapan si mama at ang ginang, kaya nabitawan ni mama ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng dumako ang mata ng ginoo sakin, nanginginig ang kalamnan ko sa takot nang magtama ang mga mata namin.

Nginitian niya ko bago bumaling ang mata niya sa ginang. Napayuko ako habang nakatitig sa makintab nilang sahig.

"Buti na lang at dumating ka kala ko di ka pupunta."

"Ano kaba papayag ba ko na di pupunta eh birthday ng inaanak ko." Ngumiti naman ang ginang bago dumako ang tingin niya sakin kaya namula ang mukha ko at napaayos sa salamin.

Sobrang ganda niya mukha siyang anghel di mo mahahalata na may anak at asawa siya.

"Ito na ba ang inaanak ko." tanong ng ginang at yumukod sa harap ko.

"Ah oo siya si Abigail." Pakilala sakin ni mama kaya namula ako.

"Kay ganda naman ng inaanak ko." hinawakan ng ginang ang pisngi ko at ngumiti siya sakin ng matamis.

Pagkatapos nun ay inaya niya kami ni mama sa garden nila kung saan gaganapin ang birthday.

Nakaupo na kami ni mama habang umalis naman ang mag asawa para sunduin ang may birthday. Habang nagmumuni muni ay nakatingin lang ako sa mga tao na alam mong may masasabi sa buhay.

Napatingin kami sa harap ng magsalita ang mag asawa, habang nagsasalita sila ay tsaka naman umakyat sa stage ang isang batang lalaki. Namula ang buong mukha ko habang nakatitig sa kanya hanggang sa matapos ang pagsasalita sa harap ay nakatitig pa rin ako sa kanya.

Bumigat ang paghinga ko nang pumunta sila ma'am Athena sa table namin. Napayuko at napaayos ako ng salami hobby kona kasi ang ayusin maya maya ang salamin ko.

"Lynlyn ito nga pala si Alexander at siya ang may birthday." Napaangat ako ng ulo at bumili yata ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin.

"Ang gwapo naman ng inaanak ko ilang taon kana?" Masayang tanong ni mama kay xander.

"15 po." magalang na sagot niya. Mas lalo akong namula ng marinig ang boses niya ang pogi din at titig na titig siya sakin. Teka, may dumi ba ko sa mukha at grabe siya makatitig sakin kung meron nga nakakahiya.

"Ay binata kana, ay teka ito naman ang anak ko si Abigail short 'gail'." Siguro pulang pula na ang mukha ko sa hiya.

"H-hello." Bagot na tumango lang siya sa akin.

Simula nun ay dun ko nalaman na love at first sight ako sa kanya at simula nun ay araw araw ko na siyang sinusundan nagmumukha na nga kong stalker pero wala akong pakialam. Sa edad na sampo ay dun nagsimulang tumibok ng mabilis ang batang puso ko. Yung Iba iisipin na puppy crush lang ito sakin hindi, hindi ako naniniwala na puppy crush or what ito dahil sa kanya lang talaga bumilis ang tibok ng puso ko.

Masisisi mo ba ko kung ganon ang naramdaman ko sa kanya, kusa na talaga na tumibok ang puso ko at ipinapangako na magugustuhan niya din ako pabalik at balang araw ay naniniwala ako na siya at ako ay para sa isa't-isa at magpapakasal kami pagdating ng araw.

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Where stories live. Discover now