Chapter 22

63 3 1
                                    

Tatlong araw kaming nag stay sa resort at sobrang saya ng araw na iyon dahil wala kaming ginawa kundi mag date dito at doon walang pinalampas na minuto si Xander para lang pakiligin ako.

Sobrang saya talaga, ganto siguro ang pakiramdam kapag may boyfriend ka at Isang Alexander Montecillo pa. Wala nang sasaya pa sa pakiramdam.

Ngayon ay balik school nako andito ako sa harap ng salamin at nag aayos ng sarili, di na rin ako nagsusuot ng salamin, di naman malabo ang mata ko trip ko lang talaga na magsuot ng ganon. Ayaw pa nga ni Xander nung una dahil ma eexpose daw kagandahan ko gusto niya siya lang ang makakakita. Tumagos naman sa puso ko yung sinabi niya.

Pero gusto ko rin mag ayos ng babae talaga, dahil na rin sa ako na lang ang tumataguyod sa sarili ay nawalan na ako mag ayos sa sarili kahit nung Bata pa. Talagang si mama lang ang nag aayos sa akin.

Pero ngayong wala na siya ay wala nang nag-aayos sa akin pero inaral ko naman kaya kahit papano ay marunong na ako. Tsaka gusto ko maging presentable sa harap ni Xander.

Nakakahiya naman ang gwapo gwapo niya tapos yung kasama niya ay nevermind.

Napahawak ako sa kwintas na suot, nung sinearch ko ito sa google ay ganun na lang ang gulat ko ng malaman ang presyo nito naghahalaga lang naman siya ng 3.5 million kaya sinong di magugulat at malulula sa presyo nito.

Nang tanungin ko siya dito wala naman siyang sinabi, natatakot pa nga ko dahil baka magalit sila Tito at Tita dahil sa presyo ng kwintas, pero sabi niya pera naman niya. Kaya mas lalo ko siyang minahal at siya lang ang mamahalin ko hanggang pagtanda namin.

Alam kong kami talaga ang para sa isat-isa pinagtagpo kami ng araw na ten years old pa ako at fifteen years old pa siya, para sa akin kami talaga ang para sa isat-isa.

Nawala lang ako sa pag iisip ng maramdaman na may yumakap sa likod ko awtomatikong napatingin ako sa taong iyon. Agad na napangiti ako ng malaman kung sino iyon. Si Xander.

Di ko man lang naramdaman na pumasok siya ganon na ba talaga kalalim yung iniisip ko at di ko man lang naramdaman ang presensya niya.

"What is my baby thinking hmm?" Napapikit ako dahil sa lambing ng boses niya, isa pa yan simula nang maging kami ay mas lalong naging clingy na siya di kagaya dati na seryoso at blankong tingin lang ang iginawad niya sa akin pero ngayon puno ng pagmamahal at parang ako lang ang babaeng pinakamaganda sa kanya yun ang nakikita ko sa mga mata niya. At alam kong ganun din ang nakikita niya sa akin.

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok ng dampi damping halik ang ginagawa niya sa gilid ng leeg ko, mas lalo niya kong hinapit sa kanya kaya ramdam na ramdam ko ang dibdib at tyan niya, at ramdam ko ang tumutusok sa likod ko at di ako tanga para di malaman iyon.

Pero alam naman niya ang limitasyon niya di siya lumalagpas dun hanggang halik at haplos lang siya. Alam kong may pangangailangan siya pero kung mahal niya talaga ako ay hihintayin niya ko.

Alam kong nasa bagong henerasyon na pero gusto ko bago niya ko makuha ay gusto ko munang maikasal bago ko ibigay ang sarili ko sa kanya. Ibibigay ko rin pero sa tamang panahon pa at alam kong makakapag antay naman siya.

"Xander." Malakas na hiyaw ko ng kagatin at sipsipin niya ang balat ko sa leeg at alam kong nag iwan yun ng pulang marka. Kumalas siya at malakas na tumawa habang ako ay nakasimangot na nakatingin sa salamin.

Kitang kita ang pulang marka na iyon, papasok pa naman ako sa school at nakakahiya kapag nakita ng mga kaklase ko lalo na yung dalawa.

Masamang tingin ang iginawad ko sa kanya kaya kagat labi na nagpipigil ang tawa niya. Nang makitang seryoso ako ay napahinga siya ng malalim at malambing na yumakap ulit sa likod ko habang ako ay masamang nakatingin sa kanya sa salamin.

"I'm sorry." Malambing na sabi niya at nakanguso na inilagay niya ang ulo sa balikat ko kaya agad na nawala ang tampo ko pero di ko pinahalata, nakasimangot pa rin ako.

"I'm sorry I won't repeat it." Malambing na sabi niya at nababahala na ang mukha niya, ayaw na ayaw niya kasi akong nakikita na nakasimangot at galit ang mukha natatakot daw siya.

"Okay."

Ilang minuto pa kami nag lambingan bago niya ako hinatid sa school. Dahil sa kalandian namin ay twenty minutes na lang at malalate na ako.

Nang makarating na kami sa school ay akmang tatanggalin ko na ang seatbelt ay napatigil ng hawakan ni Xander ang kamay ko, pagkaharap ko ay labi niya ang sumalubong sa akin, awtomatikong tumugon ako sa halik niya, sinipsip at kinagat kagat niya ang labi at dila ko at ilang minuto ang halik namin bago kami magbitaw.

Habol ang hininga namin parehas at iisang hangin lang ang nilalanghapan namin. Siya na mismo ang kumalas ng seatbelt at muli niya kong hinalikan sa labi at noo kaya napangiti ako.

"I'll pick you up later."

"Okay."

Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami sa isat-isa, pagtingin ko sa cellphone ay napamura na lang ako sa isip ng makitang late na ako. Kainis kasi na Xander iyon marupok pa naman ako.

Pagkarating ko sa room ay napahinga ako ng malalim ng makitang wala pa yung teacher. Agad akong lumapit sa dalawa. Nagpasalamat ako ng sabihin nilang wala daw ang first subject dahil may emergency.

Nagkwentuhan at tawanan lang kami ng pumasok na ang next teacher kaya nakinig na kami.

Sumapit pa ang ilang oras at uwian na namin kaya inayos ko na ang bag ko at sabay-sabay na kami lumabas.

Pagkarating sa gate ay nagpaalam na kami sa isat-isa at umupo muna habang inaantay si Xander ilang minuto ang inantay ko at sobrang tagal kaya nanghihinayang na umalis ako sa inupuan ko.

Akmang lalakad na ako ng makita ang kotse niya na paparating. Nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Xander at nagtaka ako ng makitang pawisan siya at ng makalapit ay hinihingal siya.

Sa itsura niya para siyang tumakbo o tumakbo talaga. Nag-aalalang lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya nagulat ako ng maramdamang mainit siya.

Hinawakan ko ang leeg at noo niya at napapasong napabitaw ako sa kanya.

"May sakit ka." Pilit na ngumiti siya sa akin.

"I'm okay baby."

"P-per—" Diko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin niya ko papunta sa sasakyan niya.

At nagsimula na siyang magmaneho, di ko mapigilang sulyap sulyapin siya, talagang nag-aalala ako sa kanya at bakit para siyang nagmamadali kanina kung iisipin parang may humahabol sa kanya.

Ano bang nangyari sayo?

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora