Chapter 13

80 3 0
                                    

Lumipas pa ang ilang buwan at sobrang close na naming tatlo nina Rachel at Carla, Carla daw ang itawag ko sa kanya dahil ayaw niya daw sa Carl baduy daw kaya wala na kong nagawa. Tsaka kahit ganun naman siya hinding hindi ko sa huhusgahan dahil para sakin mas masaya kasama o kaibigan ang bakla kesa sa lalaki.

Ganto pala kasaya ang magkaroon ng kaibigan halos nakakasabay na ako sa mga joke nila at kwentuhan minsan natatawa na lang ako sa kanila at pag oras ng recess ay nagkikita kita kami palagi sa canteen at magkwekwentuhan tapos di rin nawawalan ng chismis si Carla lalo na pagdating sa mga babae.

Oras ng recess kaya andito kami sa canteen at usual medyo marami rami na rin ang kumakain at sa kabilang row ay di mawawala ang nambubully sakin si Anika sayang nga eh yung pangalan niya pang mahinhin na babae pero yung ugali niya nevermind.

Nahuli niya kong nakatingin sa kanila kaya tinaasan niya ko ng kilay at unirap kasama niya ang mga alipores niya. Hinawakan ni Carla ang baba ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Wag mong tignan inggit lang yan sa ganda mo girl." Mataray na Sabi niya sa ilang buwan namin magkakasama ay medyo nakakabisa ko na rin ang mga ugali nila si Rachel ay matapang medyo mataray ang mukha pero mabait na tao. Si Carla naman ay ganun din mataray, joker at di mawawala sa kanya ang humarot ng boy kaya tawang tawa kami ni Rachel pag nakikita naming nirereject siya ng boy.

"Omg sino ba ang mag order, hays wag ako di pwede pawisan ang maganda kong mukha." Tapos nag imaginary hair pa siya kaya natawa ako habang si Rachel ay napangiwi.

"Bwisit ka bakla, lalaki ka padin." Naiiritang sabi ni Rachel kay Carla kaya mataray na tinignan siya nito, kahit nilalait nila minsan ang Sarili nila ay para sa kanila ay joke lang atsaka mahal nila ang isat isa, pero depende na lang talaga sa Isang tao pag sineryoso niya ang joke ng tao.

"Ako ng bibili." Suggestion ko sa kanila kasi nagbabangayan nanaman silang dalawa. Napatingin sakin yung dalawa. Tumango lang si Rachel.

"Gora na girl I'm hungry na kashi." Nag boses na babae si Carla kaya lalong nairita si Rachel habang ako ay napapangiting napapailing na lang. Umalis na ako sa pwesto namin at pumila. Habang nag aantay ay napatingin ako sa harap ko lalaki siya at medyo malapad ang balikat niya at ang tangkad niya hanggang ibaba ng batok niya lang ako.

Inibang direksyon ko na lang ang tingin ko hanggang sa mapunta na sa lalaki, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kare-kare. Natakam ako at di na mapakali. Pagkatapos ng lalaki ay mabilis akong lumapit sa tindera.

"Ano sayo ineng?" Tanong ng tindera sakin pero halos manlumo ako ng makitang ubos na yung kare-kare.

"Ate wala na po ba kayong kare-kare diyan." Malungkot na sabi ko.

"Ay ineng ubos na last na yun." Napakagat ako ng labi at malungkot na bumili ng iba, at binili ko na rin sila Rachel at Carla.

Bagsak balikat na umupo ako sa upuan namin kaya napatingin sakin ang dalawa, mukang tapos na rin sila magbangayan mabuti naman.

"Oh bakit ganyan ang mukha teh?" Nagtatakang tanong ni Carla kahit si Rachel ay nagtataka rin.

"May nakita kasi akong kare-kare eh favorite ko yon kaya bibilhin ko sana kaso last na—"

Di kona natapos ang sasabihin ko ng may maglapag ng kare-kare sa harap ko. Nag angat ako ng ulo at napabuka ang bibig ng malamang na siya yung nasa unahan ng pila na nakabili ng huling kare-kare.

"Sayo na miss nawalan ako ng gana." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na kaagad siya kaya napatingin na lang ako sa kare-kare.

"Omgggggg."Mahinang tili ni Carla kaya napatingin kami parehas ni Rachel sa kanya.

"Ano ba yan sakit sa tenga."

"Ang swerte mo naman akalain mo iyon ibinigay ni daddy Kiro yung kare-kare niya."

Matapos kaming kumain ay saktong tumunog ang bell kaya pumasok na kami sa mga room namin. Hanggang sa pag uwe ay di ko makalimutan yung lalaki na nagbigay ng kare-kare sakin, di man lang ako nakapag pasalamat sa kanya, siguro nakita niya ako kanina na gustong gusto talaga ang kare-kare kaya binigay na niya sakin, siguro naawa lang siya sakin.

Pero ayos lang naman sakin kasi nauna naman siya pero, di man lang ako nakapag pasalamat sa kanya, sayang sana magkita pa kami.

Sukbit ko ang bag ko mag isa na lang ako lumalabas ng room dahil nauna na si Rachel. Tahimik lang ako naglalakad sa hallway kokonting estudyante na lang ang nasa hallway kasi naiwan din ako kanina dahil cleaners ako, kaya no choice na maglinis ako kasi bawas grade.

Habang tumitingin sa paligid ay napatingin ako sa lalaki may kausap siyang guy pa siguro kaibigan niya. Nang mapansin siguro niya na may nakatitig sa kanya ay hinanap niya ay napatingin siya sa banda ko at napahinto at namumula akong umiwas ng tingin.

Kita ko pa sa peripheral vision ko na nagpaalam siya sa kausap niya bago naglakad sa papunta sakin, wait?! papunta sakin, gosh dahil sa naiilang at namumula pa ako ay nagmamadali akong naglakad.

Pero huli na ang lahat dahil nahawakan niya ang siko ko kaya napatingin ako sa kanya. Namula ako ng ngumiti siya sakin kaya lumabas sa kaliwang pisngi niya ang dimple niya. Gwapo siya pero nagmumukha siyang cute pag ngumiti siya lalo na pag lumalabas yung dimple niya sa kaliwang pisngi.

Binitawan naman niya ang siko ko at muling ngumiti sakin.

"Hi." Naiilang ako kasi ang gwapo niya tapos titig na titig pa siya sakin.

"H-hello." Mahinang Sabi ko habang inaayos ang salamin, ninenerbyos ako sa kanya.

"Hey natakot kaba sakin, di naman ako nangangain ng tao." Mahina pa siyang tumawa kaya maliit lang ako ngumiti sa kanya.

"Kiro Atienza." Pakilala niya habang nakalahad sakin ang kamay niya kahit naiilang ay kinamayan ko siya.

"Abigail Oliveros." Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay medyo natagalan ng five minutes ang hawak niya sa kamay ko at naramdaman ko pa na pinisil niya ang kamay ko bago binitawan.

"Ano pala ako yung nagbigay sayo ng kare-kare, but don't worry di ko naman ipapabayad." Nakangiti niyang sabi sakin.

Ngumiti ako sa kanya kaya nakita ko ang pagpula ng tenga niya at ang pagkamot niya sa ulo niya pero isinawalang bahala ko na lang at ngumiti kahit na naiilang, tsaka maganda rin pala makapag pasalamat man lang ako sa kanya dahil sa kabutihan na ginawa niya sakin kanina. Maliit na bagay man ay dapat nagpapasalamat.

"Thank you." Naiilang pa rin talaga ako kasi titig na titig siya sakin.

"Welcome, by the way hatid na kita." Alok niya na inilingan ko lang at maliit na ngumiti.

"Hindi na kaya ko naman na." Tanggi ko sa alok niya.

"Sige kahit sa labas na lang." Tumango na lang ako at habang naglalakad ay nagkwekwento pa siya sakin, medyo nasasanay na ako ng konti sa kanya pero medyo naiilang pa ng konti kasi bagong kakilala naman kami eh.

Natuwa pa nga ko ng sabihin niyang magkaibigan na kami kaya agaran akong pumayag kaya tatlo na Ang kaibigan ko at kinwento ko pa nga ang naranasan ko sa pinasukan ko at naawa naman siya dahil sa nakwento ko na binubully ako noon.

Hanggang sa labas ng school ay nagkwekwentuhan parin kami meron yung tumatawa kami parehas dahil sa mga kwento niya about sa kanya.

Natigil lang yun ng pagharap ko ay sumalubong sakin ang madilim na mukha ni Xander, wala kang makikita na emosyon sa mga mata niya at nakatitig siya ng masama kay Kiro bago lumipat sakin kaya napalunok ako.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Ramdam ko ang galit niya base sa hawak niya sakin kaya lalo akong natakot dahil na rin sa binubuga ng mukha niya.

Ngumiti lang ako kay Kiro na nakatingin sakin, ramdam ko rin na seryoso lang na nakatingin samin si Kiro, pagkatapos nun ay hinayaan ko na lang na magpahila kay Xander.

***

Merry Christmas po.🥰😊🌲

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Where stories live. Discover now