Chapter 11

72 3 0
                                    

Tahimik lang kami kumakain tunog ng kubyertos ang maririnig sa hapag kainan, pati hininga namin ay sumasabay sa tunog ng kubyertos. Gusto ko magsalita kaso inuunahan ako ng hiya baka iba pa ang lumabas sa bibig ko.

Hanggang sa matapos na kami kumain ay tahimik parin kami kahit isa ay walang nagsasalita.

"Ako na maghugas." Sabi ko nakakahiya naman siya na nga ang nagbayad sa kinain namin tapos paghuhugasin ko pa siya ng plato nakakahiya talaga.

"Let me." Pagkasabi niya non ay kinuha na niya ang mga pinag gamitan namin at pumunta na ng lababo para umpisahan na maghugas.

Nakaupo ako sa monoblock habang tahimik na pinagmamasdan siya. Ang likod niya ay bagay na bagay dimo aakalain na sa edad na twenty ay may malaki na siyang katawan. Ang mga biyas niya na ang hahaba kahit na tumakbo pa ko ay alam kong maaabutan niya ko.

Gusto ko siyang tanungin sa nangyari kanina, siguro nakita niya sa mga mata ko ang pangamba na diko rin alam kung bakit?

Pero sa nangyari kanina ay wala akong nararamdaman na pagsisisi dahil alam ng puso at katawan ko na ginusto ko ang nangyari samin.

Napahinga ako ng malalim kelan ba kami mag uusap sobrang tahimik talaga, pinakatitigan ko siya, dimo aakalain na ang Isang Alexander ay magugustuhan ako, oo kahit di niya sabihin ay ramdam ko naman sa mga kilos niya na may gusto siya sakin.

Ika nga, Action speak louder than words.

Alam kong nag uumpisa pa lang ang nararamdaman niya sakin pero hihintayin ko ang araw na sabihin niya sakin ang mga katagang iyon.

"Done eyeraping me love?" Pag angat ko ng tingin ay nakatingin na siya sakin habang nakapaskil sa labi ang ngisi.

Pinamulahan ako ng mukha at napa iwas kahit di na ako tumingin sa salamin alam kong sobrang namumula ang mukha ko.

"Hindi kaya." Kaila ko eh huling huli na nga na titig na titig ako sa likod niya. Rinig ko ang mahina niyang tawa kaya lalo akong namula. Kainis.

"I know I'm handsome, but you can stare at me anywhere you want." Nakangisi niyang sabi habang nagbabanlaw.

"Ang hangin naman."Pagpaparinig ko, alam kong gwapo siya kaya nga isa sa mga nagustuhan ko sa kanya iyon. Pero gusto ko parin siyang asarin.

"What there's no wind, huh?" Nagtataka niyang tanong, sino ba naman kasi ang tanga na sasabihin yon eh wala namang bintana itong kusina ko, kaya obviously walang papasok na hangin depende pag nakabukas yung bintana sa sala.

"Ikaw, ang hangin mo kasi." Irap na sabi ko at kesa mainis ay napangisi pa siya, tuwang tuwa.

"Stop rolling your eyes to me little girl, baka gusto mo matikman ang bagay na iyon na sisiguraduhin kong masasarapan ka." Sabi niya habang nagpupunas ng kamay.

Nagtataka akong napatingin sa kanya kaya lalo siyang natuwa.

"My love is innocent." Sabi niya habang nakangisi pa din. Nang aasar, kainis.

Pagkatapos nang nangyari ay umuwe na siya dahil may gagawin pa daw siya, kaya kahit na nalulungkot kasi aalis na siya ay pumayag nako no choice.

"Lagi mong isarado yung pinto atsaka yung bintana." Pang ilang beses na ba niya sinabi yan lima? Nung una kinikilig pa ko kasi kahit di niya sabihin alam kong nag aalala siya pero paulit ulit na kaya nakakainis pero na appreciate ko yung mga sunasabi at ginagawa niya.

"Opo tatay." Pang aasar ko, pano kung mag alala parang tatay lang kaya diko napigilan na tawagin siyang ganon.

"Tsk." Asik niya. Ngumiti lang ako, at di ako nakapag handa sa ginawa niya dahil hinila niya yung kamay ko at dinala sa katawan niya. Ramdam ko kaagad ang init na binubuga ng katawan niya ng magdikit iyon.

Napalunok ako at aalis sana ng mas hinigpitan at mas dinala niya ako sa katawan niya, medyo di na ako makahinga dahil sa sobrang higopit pero isinawalang bahala ko lang yon at ipinikit ang mga mata, piling ko tuloy ako na pinaka importanteng babae sa buhay niya dahil sa pinaparamdam ng yakap niya.

Ginantihan ko ang yakap niya at mas sinandal ko ang mukha ko sa dibdib niya, rinig ko ang mabilis niyang puso kaya di ko maiwasan na kiligin at ngumiti. Sana ganto na lang kami araw araw yung walang problema, tahimik, walang nanggulo kahit si Cheska, basta ang mahalaga ay kasama ko siya ay sapat na iyon.

Ramdam ko ang panaka naka niyang halik at halos tumaas ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa bunbunan ko, at ramdam ko din ang pag ngiti niya kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan dahil sa mga ipinapakita niya sakin.

Sana naman walang lokohan lahat ng ginagawa niya sakin, dahil paniguradong masasaktan ako pag nangyari yon, lalo't nakakapasok na talaga siya ng tuluyan sa buhay ko. Aminin ko siya ang inspirasyon ko noon pa man pero alam kong walang tugon iyon dahil alam kong sa aming dalawa ay ako lang ang nagkakagusto pero tignan mo ngayon nagsimula lang ng tanggapin niya yung binigay ko, parang noon lang habol tingin lang ako.

Minsan nagmumukha na kong stalker pero parang ganun na din kasi kahit saan siya pumunta nakasunod ako tapos minsan nagluluto ako tapos pag wala pa siya ay nilalagay ko na agad sa desk niya with matching notes pa pero initial name lang nilalagay ko, pero diko sure kung alam niyang ako ba dahil sa gwapo siya ay marami din talaga ng nagkakagusto minsan ko nang nakita siya sa locker room one time na sinundan ko siya.

Punong puno ng letter, kung saan ay nakasulat dun ang mga nararamdaman ng mga nagkakagusto sa kanya at isa na ako roon. Pero di ko pinagsisihan ang nangyari sa akin noon dahil kahit walang kasiguraduhan ay para sakin ay matutugunan na nangyari nga, yung mga naranasan ko noon ay di ko makakalimutan kung paanong ipahiya niya ko, ipagtabuyan.

Hinalikan niya muna ng matagal ang bunbunan ko bago humiwalay ng yakap sakin, sumalubong sa akin ang totoo niyang ngiti kaya nahawa ako at napangiti na rin. Sinong mag aakala na sakin din pala babagsak ang lalaking ito. Kung maulit man sa susunod na buhay ay siya at siya pa rin ang pipiliin ko. Di ako magsisisi na sa kanya nagkagusto ang batang puso ko.

Muli niyang hinalikan ang noo ko at hinawakan ang balikat ko at inikot ako patalikod at mahinang tinulak.

"Pasok ka na." Tumingin ako sa kanya at nakataas ang kilay niya sakin, at tinulak pa ako ng mahina. Bago pumasok ay lumingon muli ako sa kanya at tumingkayad at hinalikan ng smack ang labi niya. Kita ko ang gulat at pagtulala niya sa ginawa ko.

Napangiti ako habang namumula ang mukha ko, at ng makitang wala parin sa huwisyo at tumakbo na ako papasok. Di niya yata naramdaman ang pag alis ko dahil tulala padin ang loko.

Nang malock ko ang pinto ay dumiretso ako sa kwarto ko at dumapa sa kama at isinubsob ko ang mukha ko sa unan at mahinang tumili. O my god??!? Ginawa ko talaga yon.Para na kong linta dahil sa sobrang likot plus kinikilig pa ako.

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Where stories live. Discover now