Chapter 18

54 3 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at hindi na muli nagtagpo ang landas namin ni Chloe at bumalik na ulit kami sa dati nito kasing nakaraan ay medyo matamlay si Xander pag tinatanong ko naman siya ang lagi niyang sinasabi ay I'm okay kaya minsan di ko rin maiwasan na mag alala sa kanya o di kaya naiisip ko ay tungkol sa babae na nagngangalang Chloe.

Andito ako sa room at last subject na namin mataman akong nakikinig sa harap habang ang dalawa ay nagbubulungan mabuti na nga lang at medyo may katandaan narin ang guro kaya walang problema.

Tumunog ang bell hudyat na uwian na kaya nagpaalam na kami sa guro namin, yung iba ay nagmamadali na lalo na yung mga magbabarkadang lalaki.

Habang inaayos ko pa ang mga gamit ko ay nagsalita si Rachel.

"Guys what if punta tayo ng mall?"

"Anong gagawin natin sa mall aber?" Napailing na lang ako kasi nakataas pa yung kamay at kilay ni Carla.

"Tanga ka ba? Malamang mag bobonding tayong tatlo, tsaka isa pa ito yung first na magbobonding tayo na kasama si Abi."

"Ay go ako dyan teh." Impit na sabi ni Carla kaya parehas kaming natawa ni Rachel.

"Ano Abi free ka ba?" Nag-isip naman ako, wala naman akong gagawin, sa bahay kain tsaka tulog lang naman, tapos hindi rin ako masusundo ni Xander kasi sabi niya busy rin siya.

Tumango ako sa dalawa kaya masayang lumabas kami ng room. Habang naglalakad ay naisipan kong tawagan si Xander para magpaalam na lalabas kami. Hinanap ko sa contact list ko ang pangalan niya at tinawagan.

Nagtaka ako ng puro ring lang ng ring limang beses ata yon nag ring, at ng try ko ulit tawagan ay nakapatay na kaya lalo akong nagtaka, hindi naman siya nagpapatay ng phone tsaka isang tawag ko nasagot naman kaagad kahit nasa important meeting siya pero ngayon bakit di man lang niya nasagot?

Isinawalang bahala ko ang pumapasok sa mga utak ko, napabuntong hininga ako bago mag type ng chat sa kanya baka sakali na mabasa niya pag open niya ng phone.

"Uy ano yan teh?" Gulat na nag angat ako ng tingin at sinamaan ng tingin si Carla, bwisit kung may sakit lang ako sa puso inatake na ako.

"Bwisit ka bakla nakakagulat ka." Hawak sa dibdib na sabi ko.

"Tutok ka kasi sa cellphone mo ano ba kasi pinagkakaabalahan mo?"

"Nag chat lang ako kay Xander para alam niya na lalabas tayo."

"Wow ha ikaw na teh." Kunwaring inirapan lang ako ni bakla kaya natawa ako habang si Rachel ay napaismid.

Sumakay lang kami ng jeep dahil medyo malayo ang mall, mura lang naman ang pamasahe dahil may discount lalo na pag estudyante ka.

Pag karating namin sa mall ay nag ikot kami para makahanap ng sinehan at ng makakita ay pinuntahan na namin. Isang romance comedy ang napili namin kaya pumasok na kami.

Inabot ng dalawang oras ang panonood namin, medyo sumakit pa nga yung pwet ni bakla eh. Pagkalabas namin ng sinehan ay naisipan naming kumain sa fast food restaurant, nag order na lang ako ng kanin at manok para pag uwe ko ay maliligo na lang ako.

Pagkatapos namin kumain ay naisipan pa ni bakla na mag ice cream kaya bumili rin kami, ng maubos namin ay naisipan na namin umuwe dahil papagabi na rin naman na.

Habang busy sa pagkwekwentuhan ang dalawa ay ginala gala ko ang mata ko. Napakunot noo ako ng makita si Xander,nakatayo siya sa harap ng Isang kilalang brand yung suot niya ay yun din ang suot niya ng ihatid niya ko. Nagtaka ako.

Balak ko sana na puntahan siya ng saktong lumabas si Chloe kaya mas lalo akong nagtaka. Kita kong lumapit siya kay Xander at kumapit sa braso nito, binigay pa niya ang hawak niyang paper bag kay Xander na agaran namang tinanggap nito.

May kung anong kirot sa puso ko ang nakikita ko, niloloko niya ba ako? Bakit sila magkasama? Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko rin alam ang sagot.

"Bakit ka umiiyak?" Dun lang ako nagising ng marinig ko ang boses ni Rachel nag aalala ang mukha nila kaya pinunasan ko ang luha ko.

"Napuwing lang tara na." Matamlay na sabi ko. Maglalakad na sana ako ng hawakan ako sa balikat ni Rachel. Nag angat ako ng tingin at seryoso lang ang mukha niya.

"Nakita namin iyon." Alam ko ang tinutukoy nila.

"A-ano bang pinagsasabi m-mo?"

"Si Xander may kasama siyang babae diba?" Napalunok ako.

"B-baka nagkakamali ka lang?" Pumiyok ang boses ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Alam namin yan ang sasabihin mo, pero— nevermind, uwi na tayo."

Pagkatapos sabihin ni Rachel yun ay inakbayan niya ako at sabay-sabay na kami naglakad rinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawa. Lumingon muli ako at nakita kong wala na sila.

Pagod na binuksan ko ang pinto ng apartment ko, pagkalock ko ng pinto ay dumiretso na ako sa higaan ko, pagka higa ko pa lang ay dun na tumulo ang luha ko kasabay ng malakas na paghikbi. Inaalala ang nakita kanina. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba o totoo talaga yung nakita ko? Kung totoo man yon ang sakit? Bakit niya nagawa sakin iyon? Niloloko lang ba niya ako, pinaglalaruan dahil alam niyang matagal ko na siyang gusto, o rebound  sa nakita ko ay alam kong may past sila.

Kaya ganon na lang yung reaksyon ni Xander sa restaurant nung araw na mag dadate sana kami ang kaso hindi na tuloy.

Nag ring ang phone ko kaya humihikbing kinuha ko sa bag ko ang phone ko, at mas lalo lumakas ang iyak ko ng makita ang pangalan niya.

Pinigilan ko ulit na umiyak at sinagot ang tawag, rinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya mas lalong tumulo ang masaganang luha.

"I'm sorry baby kung hindi ko nasagot na deadbat kasi ang phone ko." Lumunok muna ako para hindi niya mahalata na umiyak ako.

"Okay lang." Buti na lang at di pumiyok ang boses ko.

"I'm sorry talaga, tapos nakatulog din ako sa office ko kaya ngayon lang kita natawagan, I'm sorry baby please wag ka magtampo ha." Malambing na sabi niya kaya mas lalo akong tumulo ang luha ko.

Isa sa nagustuhan ko sa kanya ang pagiging malambing niya noon pa man malambing na siya lalo na sa kambal.

"Baby?" Dyan ang galing mo talaga umakting, ngayon tatawag ka ng parang walang nangyari ang sama sama mo talaga para ganituhin mo ako.

"B-bakit?"

"You are not answering so maybe something happened to you there." Nag aalala niyang sagot. Umiling lang ako kahit di niya nakikita.

"A-ayos lang ako, s-sige ibababa ko na may gagawin pa kasi ako."

"Alright, I love you." Lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ko iyon kaya agad agad na pinatay ko ang tawag at tahimik na umiyak.

Montecillo Series 1: Love at First Sight (Ongoing)Where stories live. Discover now