Chapter Seven

1.6K 85 0
                                    

Dindin's

I TRY to be a little better the following day. Hindi naman deserve ni Jayjay ang palaging mag – alalala sa akin. I know that he's just worried about me because I kept on crying, hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ba iyak ako nang iyak, dapat masaya ako dahil kapiling ko na naman si Jayjay. Hindi man namin masabi sa isa't isa ang katotohanan, at least magkasama kaming dalawa.

"You look happier today." Bati niya sa akin nang umagang iyon. I was having breakfast while reading my notes. Kalalabas lang ni Jayjay sa kanyang silid, mukhang aalis siya dahil bihis na bihis na siya. I was drinking my orange juice but I had to smile at him.

"I feel a little bit better." Sabi ko sa kanya.

"I am glad." Nakangiti pa rin siya sa akin. "I will be going to my father's home. Baka gabi na ako makabalik mamaya. You don't have to wait for me." Bigla naman akong nakaramdam ng pagkalungkot. Mag – isa na naman pala ako mamaya. Noong hindi ko pa alam na siya ang Jayjay ko, masaya ako lagi tuwing maiiwanan ako rito sa condo niya, pero ngayon, lagi kong gustong makasama si Jayjay. Miss na miss ko siya. Sana tulad ng pagkamiss ko sa kanya ang nararamdaman niya para sa akin. Naniniwala ako sa lahat ng sinabi niya sa mga sulat na iyon, pero sa kabila ng kasiyahan na natagpuan muli namin ang isa't isa ay may nararamdaman akong lungkot. I could just imagine how sad he was while growing up in that mansion without the real people that knows him well – like me and my mom and the nuns in that orphanage.

"You're sad again." Malungkot na wika niya. I shook my head.

"Hindi. May iniisip lang ako. Have fun with your whatever tonight." Pinilit kong ngumiti. Napatango na lang si Jayjay at saka umalis na. Gustong – gusto ko sana siyang pigilan, ayokong mag – isa. I want him to be always around him nowadays, pero baka masyado niyang mahalata.

I watched him as he leaves, nang makalabas siya ng pinto ng penthouse ay tumakbo naman ako sa may glass window para silipin ang pag – alis ng sasakyan niya. I can see him from here. When I saw the blue trailblazer he is always driving, napangiti pa ako tapos ay kumaway kahit na hindi naman niya ako nakikita.

I am now alone in this big penthouse and I don't know what to do. May klase ako mamayang one pm, anong gagawin ko habang naghihintay ako?

"Oh right!" Napahagikgik pa ako nang maalala ang mga photo albums sa ilalim ng coffee table sa living area. Parang batang naupo ako sa carpeted floor at inisa – isa ko ang mga larawan ni Jayjay noong bata pa siya. Wala siyang pictures noong kakaka-adopt niya. Ang narito na ay ang mga larawan niya noong high school na. Malaki talaga ang pagbabago ni Jayjay. Lumaki kaming wala siyang front teeth. Ang tagal kasing tumubo ng mga ngipin niya noon. Palagi ko siyang tinatawag na Bunny Jayjay. Oh he was so cute before.

The pictures here are of him and his awards. Lahat yata ng sinalihan niyang contest ay first place siya. Sa lahat ng larawang iyon ay kasama niya ang tatay ko – namin? Well he is legally adopted, so that makes him his son too. Magkapatid pala talaga kami sa mata ng batas. I sighed again.

"Were you so lonely, Jayjay? You're not smiling at any of the pictures." Bulong ko habang hinahaplos ang mga larawan niya. "I wished I was there with you... Mama will be so proud. She always tell me that you're so smart and that you are going somewhere someday." Pero hindi namin alam ni Mama na sa buhay siya ng tatay ko mapupunta. I sighed again. I kept on looking at his pictures but as I browse, bigla kong nakita ang isang pamilyar na bagay na suot ng tatay ko.

It was a bracelet – the same one that my mom used to wear pero kuwintas ang kay Mama at hindi bracelet lang. I bit my lower lip and my eyes got teary. Is my father still wearing this? Nasa kanya pa ba? The picture was taken on 2012, that was ten years ago, if he still has this, does this mean that he still thinks about my mom? Mahal niya pa kaya si Mama? Kung magpapakilala baa ko, tatanggapin niya ako? Hindi ko naman kukunin ang lahat kay Jayjay, I am willing to stand beside him as his equal, but I am afraid that my father wouldn't want me to.

The Complicated UsWhere stories live. Discover now