CHAPTER 03

8.3K 195 7
                                    

Temporary stay

Tahimik ako buong byahe kahit na panay ang tanong sa akin ni Zeinna samantalang ang kuya nya naman ay halatang naiirita na sa ingay ng kapatid.

Tumingin ako sa labas nang huminto na ang van na sinasakyan namin.

Sa harap nito ay ang mansion nang mga magulang ko, ilang taon na ang lumipas ngunit kung titingnan ang bahay ay parang ganun parin tulad ng dati, ang nag bago lamang roon ay ang fountain at ang mga halamang magaganda.

Binuksan ko ang pintuan ng van saka lumabas kasunod ko ang naman ang mga bata.

“mom ito po ang house nila mommyla?”manghang tanong ni Zeinna habang nakatingin sa harap ng mansion

Tinanguan ko ito at nginitian saka ko binalingan si Drave na kanina pa tahimik na nakamasid lang.

“let’s go inside I'm sure naghihintay na ang grandparents  nyo” anyaya ko saka nila

“oh wait Mang Robin magpatulong po kayo sa mga kasambahay sa pagdala ng bagahe masyadong mabigat ho iyan” bilin ko na tinanguan lamang nito.

Sabay kaming tatlong pumasok sa bahay at sumalubong saamin sa loob ang aking pinaka mamahal na ina,napaka supistikada parin ang aking ina at napaka ganda parin nito hindi mahahalatang mid 50's na ito.

“oh sweetie I really miss you so much” bati saakin ni mommy saka lumapit saakin bago ako nito niyakap

Sinuklian ko ang yakap saakin nito, miss na miss ko na rin silang mga magulang ko

“I miss you too mom” masayang saad ko saka bumitaw sa yakap

“where’s dad?” tanong ko at pinalibot ang tingin sa kabuuan ng sala

“oh your dad?his busy hija you know him palagi nalang ang company ang inuuna” bumalik ang tingin ko kay mommy ng magsalita sya

“by the way hija mas lalo kang pumuti at gumanda anak,tumangkad ka rin.” papuri ng aking ina

“thank you mom.”naka ngiti kong pagpapasalamat

Binalingan ni mommy ang kambal na kanina pang tahimik na nakamasid lamang sa tabi ko.

“sila na ba ang mga apo ko?!”natutuwang tanong ni mommy

Ngumiti ako at binalingan ang kambal

“babies magmano kayo kay mommyla niyo and say hi to her” utos ko sakanila

Nagmano naman ang kambal at pormal na nagpakilala sa kanilang lola

We always talked via Skype nuong nasa France pa kami naninirahan kung kaya’t alam kong close na close si mommy sa mga anak ko lalo na kay Zeinna.

“oh for sure gutom na kayo dahil sa byahe kumain muna kayo anak” anyaya ni mommy

“uh yung mga bata na lang siguro mom medyo pagod ako at inaantok mukha kasing gusto pa kayong makausap ng kambal” saad ko

“oh sige hija matulog ka na lang sa kwarto mo kung ganun” nakangiting saad ni mom

Binalingan ko ang kambal
“behave okay? wag nyong istress si mommyla” bilin ko sa kanila

“yes mom” tugon lang ni Drave saka ako binigyan ng halik sa pisngi

“okay mommy” ngiting tugon ni Zeinna at binigyan rin ako ng magkabilang halik sa pisngi

Pagkatapos non ay umalis na sila papuntang dining area. I sighed and carefully looked around the mansion there's still no difference after I left, maliban nalamang sa mga bagong mga muwebles, halaman,vase, painting at sofa's.

Nagsimula na akong umakyat sa ikalawang palapag at tinungo ang aking kwarto. When I open the door the cream color of my room welcome me.

Malinis parin ang kwarto ko gaya nang iniwan ko ito noon, dahil sa pagod ay dumeretso na ako sa kama at humiga.

Ilang minuto akong tumitig si kisame at iniisip kung hanggang kailan ang aming pananatili dito sa Pilipinas.

Ang totoo'y wala akong balak na umuwi dito kung hindi lang talaga dahil sa kaka open ko lang na branch ng boutique ko at dahil na rin sa gusto ng parents kong makasama ako pati narin ang mga anak ko.

Iniisip ko pa lang na magkatagpo ang landas namin ni Zeus ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya’t gagawin ko ang lahat upang kahit anong mangyari ay hindi kami magkita.

Dahil gusto ko lang na maging tahimik ang pananatili namin dito hanggang sa makabalik kaming muli sa bansang itinuring na naming tahanan, ang France.

My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now