CHAPTER 18

5K 101 2
                                    


Threat

Tahimik lamang akong nakahiga at nakatingin sa kisame ng aking kwarto dahil paulit ulit na pag r-replay sa akin ang sinaad sakin ni Zeus.

Napabuntong hininga ako at marahang pinikit ang aking mga mata at dahil na rin sa pagod ay nakatulog  agad ako.

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking cellphone, pupungas pungas kong inabot ito at tiningnan ang oras, mag hahatinggabi na sino naman kaya ang magtetext sakin ng ganitong oras?

Binuksan ko ang message at bumungad sa akin ang isang unknown number kumunot ang aking noo, nantitrip lang ba 'to?

Naiinis na binasa ko ang text nito, nanlaki ang aking mata at agad na napabangon sa gulat sa aking mensaheng nabasa.

Unknown number: Magpakasaya ka lang Zianna Ramos sulitin mo yan cause I will make sure that I will ruin your life. I won't let you be happy when here I am filled with sadness, anger and pain. I will make you pay for what you've done to me! You will feel my wrath. Can I start with your lovely twins?

Nanginginig ako sa takot sa aking nabasa nagmamadali akong lumabas sa aking kwarto at pumunta sa kwarto ng kambal.

Kahit nanginginig at nanlalamig ang aking mga kamay ay maingat kong binuksan ang kwarto ng kambal upang tingnan kung maayos lang ba sila.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong mahimbing silang natutulog sa kanilang sariling kama, marahan kong isinarado ang pinto at bumalik sa aking kwarto.

Nanghihina akong umupo sa kama habang hawak pa rin ang cellphone ko, binuksan ko iyun at binasang muli ang mensahe nito.

Wala akong maalalang taong galit sa akin o ginawan ko ng masama hindi ko alam kung prank lang ba 'to o ano pero hindi ko dapat bastang balewalain ito lalo na at baka mapahamak ang kambal.

Kung totoo nga ito hindi ko hahayaang masaktan o mapahamak ang mga anak ko,poprotektahan ko sila sa kahit sinong gustong manakit sa kanila.

Whoever the sender is, there's only thing I am sure about and that is she/he wants me to suffer and feel the pain that he's/she's feeling right now.

I won't let anyone ruin my life anymore whoever wants to hurt my twins needs to come to me first.

A/N: konti lang 'tong chapter : )

My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now