FULFILLING HIS WISH

18.3K 272 18
                                    

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Juaquin nung pumasok siya sa ospital kung saan ako naka-confine.



Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang mukha nang makita ang kalagayan ko. Nakasakay ako sa wheelchair na pinag-ipunan ni papa para mabili sa akin. Hawak ko ang swero na nakakabit sa aking kamay at mahina na ako.




Lumapit siya sa akin at lumuhod. "Hinanap kita Achlys. B-Bakit bigla ka nalang hindi nagpakita? B-Bakit hindi ka na nagparamdam sa akin? Ilang linggo akong naghanap sa'yo kung saan-saan na parang tanga."



Hinawakan ko ang kanyang mukha nung magsimula siyang umiyak. "Juaquin, ano ka ba? Matatapos na yung tatlong buwan na pangungulit ko sa'yo. Hindi ba dapat...masaya ka?"



Napasabunot siya sa kanyang buhok na parang hindi niya inaasahan na marinig iyon sa akin. "Fuck! I wanna spend my life with you, A-Achlys. Just forget about our deal. Gusto na kita. This time gusto na kita. Gustong-gusto na kita!"




Hindi ko na napigilan ang pagbukso ng aking damdamin nung marinig ko ang pagtatapat niya. Pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang nanginginig at payat kong mga kamay. Napakasakit sa akin ang makita ko siyang umiiyak. Parang nadudurog ang puso ko.




Nginitian ko siya nang pilit dahil ayaw kong umiyak sa harap niya. Gusto ko makita niyang matatag ako at kaya ko pang lumaban para sa kanya. Para sa aming dalawa.



Gusto niya na daw ako.




Achlys, ito na yung pinakahihintay mo.




Sa wakas, mahal ka na ng taong mahal mo.




Parang gustong tumalon ng puso ko dahil iyon din ang lagi kong pinagdadasal. Lagi kong hinihiling na sana mapansin niya din ako. Sana tingnan niya din ang direksyon ko. Na sana mahalin niya rin ako...kung papalarin.



"S-Salamat, Juaquin. H-Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya." sinuklay ko ang pawis niyang buhok para ayusin iyon.



Ngumiti siya sa akin habang namumula ang sulok ng kanyang mga mata. "So, tayo na ba?"



Kami na ba?



Juaquin, gustong-gusto kong maging tayo pero...



Mawawala na ako sa mundong ito.




"H-Hindi na kita gusto." I whispered using my soft voice.



That was a lie.



Pero, kailangan kong gawin ito dahil natatakot akong iwan siyang mag-isa.



-----

WARNING: THIS STORY IS ONLY FOR OPEN-MINDED PEOPLE. THE PLOT MAY TRIGGER YOUR ANXIETY AND DEPRESSION. READ AT YOUR OWN RISK.

Disclaimer: This story is purely work of fiction and made with my own imagination. Some person's name, places, things, scenarios are not based on a true story.

Note: Plagiarism is a crime and don't ever claim my story as someone else's work since, I worked hard for it.

Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now