NINE

4.6K 105 14
                                    

Hindi ko inaasahang bibisita si Jordan sa akin. Siya ang una kong naging kaibigan at isa siya sa dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.



"K-Kumusta ka na?" tanong ko sa kanya.




He sighed heavily. "O-Okay lang. Ikaw ba? Hindi ka ba nababagot dito?" tanong niya habang hawak ang kamay ko.




I smiled flatly at him. "Hindi naman ako nababagot dito. Mababait ang mga doktor at mga nurse."



Totoo iyon. Mabait ang doktor ko na si Doc. Mendez at kasundo ko ang lahat ng nurse. Madalas nila akong tanungin kung bakit walang bumibisita sa akin na mga kaibigan at sasabihin ko namang abala ang mga kaibigan ko dahil balik-eskwela na.




He sincerely smiled while looking at my eyes. "Mabuti naman kung ganon. Nag-aalala kaming lahat sa'yo nung hindi ka pumasok ng isang linggo. Pinuntahan kita sa bahay niyo at nakita ko dun ang papa mo na nag-eempake ng mga gamit."




Binenta na ni papa ang bahay namin. Malaki kasi ang bayarin sa mga gamot at mga physical tests para suriin ang aking karamdaman. Hindi man sigurado ang paggaling ko pero patuloy akong hindi sumusuko dahil naaawa ako kay papa. Lahat ng mga paintings niya ay binenta niya sa mababang halaga dahil kailangan namin ng pera. Nakakalungkot isipin na walang tumulong sa aming mga kamag-anak.




"Lilipat na kasi si papa ng bahay. Masyadong malaki ang luma naming bahay para sa kanya." I explained to Jordan.




He frowned. "B-Bakit sa kanya lang? Hindi ka ba sasama sa kanya?"




I lowered my head at bite my lip. "H-Hindi na ako magtatagal, Jordan."




Bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin. Mabilis ang kanyang paghinga at napansin ko iyon sa galaw ng kanyang mga balikat.




Humarap siya sa akin habang namumula ang sulok ng kanyang mga mata. "A-Anong sinasabi mong hindi ka na magtatagal?! Bakit di mo sinabi sa akin, Achlys? Tutulungan naman kita eh."




Itinaas ko ang nanghihina kong kamay at inabot ang kanyang umiiyak na mukha. "P-Patawarin mo ako, Jordan. Ayokong maging pabiga-"




He cut me off. "Fuck! Hindi ka kailanman naging pabigat, Achlys. Para sa akin ikaw ang pinakamahalaga."




I wiped his tears. "A-Anong ibig mong sabihin?"




Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at lumapit siya sa akin. "Look at my eyes, Achlys. Now tell me what can you see?"



I looked at his eyes intently. "Syempre ako yung nakikita ko. Kaharap mo ako eh."




He sighed heavily. "Mahal kita. Mahal kita, Achlys pero si Juaquin ang lagi mong nakikita!"




Hindi ako kaagad nakapagsalita nung marinig ko iyon sa kanya. Madaming tumatakbo sa utak ko pero di ko alam saan ako magsisimula.




"B-Bakit ako, Jordan?" I blurted.




He bite his lower lip. "Bakit hindi ikaw? Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Achlys, di mo ba napapansing patay na patay ako sa'yo?"



My lips parted in shock. "A-Anong gagawin ko, Jordan?"




He shook his head. "Wala kang dapat gawin, Achlys. Ayokong pilitan ka sa bagay na hindi mo magugustuhan. Alam kong si Juaquin ang mahal mo pero hayaan mo akong alagaan ka."




Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now