FIVE

3.9K 103 21
                                    

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?" tanong sa akin ni Jordan habang minamasahe ang likod ko.



Naka-ready na ang lahat ng mga maglalaro. Some of the players are doing some warm up exercise and some are talking with their coach. Si Juaquin naman ay nagpu-push up habang ang ilang mga babae ay nakatingin sa kanya.




I turned my face on my back to see Jordan. "Sigurado na ako. Kung ito ang paraan para mapansin niya ako, ay malugod ko itong gagawin."




Hinawakan ni Jordan ang braso ko at pinatayo ako sa harap niya. Mabilis siyang lumuhod at sinintas ang sapatos ko.



"Nandito lang ako. Pag di mo na kaya, itaas mo ang kamay mo dahil pupuntahan kita agad. Gets mo?" sabi ni Jordan habang nakatingin sa mga mata ko.




Naalala ko ang sinabi niya sa akin na wag ko siyang pag-alahanin pero kailangan ko itong gawin. Kumakapit na ako sa patalim at posibleng ito na ang huling takbo ko. Pero alam kong hindi ako magsisisi basta't kasabay ko si Juaquin.



Ngumiti ako kay Jordan dahil alam kong nag-aalala siya para sa akin. "Yes Coach!!!"



Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang aking buhok. "That's my Achlys!"



Maya-maya pa ay nagsalita na ang emcee at sinabing magsisimula na ang track and field race. Nanginginig ang aking mga tuhod habang papalapit sa starting line. Oval shaped ang race track at nasa kaliwa kong tabi si Juaquin.



"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" sigaw ng mga estudyante.



Napatingin ako kung saan nakaupo ang mga classmates ko pero hindi yata nila napansin na sumali ako sa race. Maraming mga posters kung saan nakalagay ang pangalan ni Juaquin. Ang mga cheerdancers kabilang si Venice ay kilig na kilig sa bandang tabi.



"Umayos ka, ayoko ng lampa." Juaquin warned me.



I cleared my throat. "S-Siguraduhin mo rin na matatalo mo ako."



"Malamang, ako pa ba?" he smirked.



"On your marks..." the emcee started. All of the players lower down their right leg facing the ground along with their fingers. Ginaya ko naman sila.



"Get set..." the emcee continued and I breathe and sighed heavily. Kinakabahan na ako at parang ayoko nang magpatuloy. It's a 200 meters race at mainit ang sinag ng araw dahil tanghali na.



Nung mga oras na iyon, pinapanalangin ko nalang na sana umabot ako kahit sa kalahati ng race. Hindi ko na inaasam na manalo dahil ang makasama ko lang sa pagtakbo si Juaquin, ay panalo na ako.



"Pftttttttttttt!!!" tumunog ang malakas na pito.



Nagsimula na ang karera. Nakangiti akong tumatakbo habang nakatingin sa katabi kong si Juaquin. Napakasaya ng kanyang mukha nang malagpasan niya ako. Pilit akong humahabol sa kanya nang bigla akong makaramdam nang pagsikip ng aking dibdib.



Shit.



Napatigil ako sa pagtakbo sa gitna ng karera habang hinahabol ang aking paghinga.



"Anong nangyare?"




"Bakit siya tumigil?"




"Hoy, hindi pa tapos. Malayo ka pa sa dulo!"



Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now