THREE

4K 107 38
                                    

I considered that moment when I'm catching my breath as the sign that I'm waiting for. Hindi naman kasi natin malalaman kung hanggang kailan nalang ang itatagal natin sa mundo. So, I made up my mind to pursue Juaquin starting that day.




Tapos na ang klase at hinihintay ko siya sa tabi ng pula niyang sasakyan.
Ilang minuto akong naghintay nang bigla akong makarinig ng malakas na tunog. Nakita ko ang bola na sinipa ng isang estudyante at nagasgasan nun ang kotse ni Juaquin. Kinuha ng lalaki ang bola niya at kumaripas ng takbo.





I'm trying to touch the scratch on Juaquin's car when I heard his deep voice. "Why are you touching my Mcqueen?"




Tumayo naman ako agad nang makita ko ang nakakunot niyang noo. "Jeez! Are you the one who scratched it?!"





I shook my head in disagree. "H-Hindi ako yan," dahan-dahan kong itinaas ang kaliwang kamay ko at umaktong nangangako. "Promise."




He covered his face. "Fuck! Alam mo ba kung magkano pampaayos niyan? Umalis ka na nga!"




Kinuha ko ang 500 pesos na baon ko sa isang linggo at inabot iyon sa kamay niya. "P-Pasensya ka na iyan lang yung perang meron ako, pero babayarin kita."




He made three steps close to me "At paano mo naman ako mababayaran?"




"Pwede mo akong gawing katulong o assistant. Magaling akong maglinis, magluto tsaka," I hold my chin while trying to think of something I'm good at. "magdrawing."




He chuckled sarcastically. "Are you serious? At bakit naman kita paglilinisin? Magluto, pwede pa. Tsaka ano yung isa? Mag-drawing? You gotta be kidding me."





I quickly shook my head. "Hindi ako nagbibiro. Wala kasi akong perang pambayad sa mahal ng kotse mo. Teka, bakit ba ako magbabayad? Eh hindi nga ako yung nakagasgas ng kotse mo!" bahagyang napalakas ang boses ko. Nakatingin na sa direksyon namin ang ilang estudyante na pauwi na rin.





He clapped his hands slowly. "Huli ka na, tumatanggi ka pa. Alright, you'll be cooking my lunch for a week to pay off your debt. Wag mong subukang lagyan ng lason kung ayaw mong makatikim sa'kin. Naiintindihan mo?"





I genuinely smiled at him. "Yes, I'll be glad to cook for you!"




Maaga akong nagising kinabukasan para lutuin ang lunch naming tatlo nina Jordan at Juaquin. Simula pa noon ay sinasabay ko na sa pagluluto ang baon ni Jordan dahil nag-aambag naman siya. Hindi daw kasi masarap magluto ang kasambahay nila kaya gusto niyang ako ang magluto.




"Anak, kumusta ang kalusugan mo? May masakit ba sa'yo?" tanong sa akin ni papa habang nag-aalmusal kami.




I noticed that he's always asking me about my health than my studies this past few months. Minsan nga ako nalang yung nagsasabi sa kanya na ayos lang ako bago pa siya magtanong. He must be very worried about me since I'm his only child.




I swallowed my food before speaking. "Ayos lang po ako papa, ikaw po?"




He smiled after hearing I'm okay. "Ayos lang din naman ako. Ikaw lang talaga itong inaalala ko."




Simula noong bata ako ay hindi ako tumaba kahit kailan. Tumangkad lang ako pero hindi nagbago ang payat kong mga braso at binti. The last time we went to a doctor, they prescribed vitamins for me to gain weight but it didn't work.




Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now