TEN

8.6K 182 70
                                    

Dumaan ang ilang linggo at mas lumala ang aking kondisyon. Madalas akong hindi makatulog sa gabi dahil sa patuloy na pag-ubo. Naka-kabit na sa akin ang ilang aparato na siyang tumutulong para makahinga ako nang maluwag. Simula nung magtapat ng pag-ibig sa akin si Juaquin ay lagi niya na akong binibisita pagkagaling sa eskwela. Madalas ay kasama niya si Jordan at buong hapon nila akong ki-kwentuhan.



Mahimbing ang aking tulog nang makaramdam na may humahawak sa kamay ko. Minulat ko ang aking mga mata at nilingon ang nasa tabi ko. Napangiti ako nang makita si Juaquin na mahimbing ang tulog habang hawak ang aking kaliwang kamay.




Gamit ang aking kanang kamay ay sinuklay ko ang kanyang buhok. Hindi naman siya nagising kaya hinawakan ko ang kanyang mata, ilong, pisngi at ang kanyang labi.




Nagulat ako nang makita si papa na pumasok sa loob ng aking kwarto at doon ko lang nalaman na malalim na ang gabi. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni papa nang makita ang natutulog na si Juaquin sa tabi ko.




I put my index finger to my lips asking my dad to be quiet. Umupo nalang siya sa sofa habang nakatingin sa amin. Lumipas ang ilang minuto ay nagising na si Juaquin.




"Sorry, Achlys. Matagal yata akong nakatulog." bungad ni Juaquin nang makita akong nakatingin sa kanya.




I smiled at him. "Okay lang, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo. Tsaka nandito na si papa." I pointed at my dad's direction.




Biglang napatayo sa upuan si Juaquin nang makita si papa na nakangisi. "Magandang gabi po, tito. Nandito po ako dahil gusto kong bisitahin ang anak niyo."




My dad shrugged. "Alam ko Juaquin, dahil halos ayaw mo na akong tigilan sa kakatanong kung nasaan ang anak ko."




Juaquin walked closer to my dad and whispered something. I saw how my dad frowned after hearing Juaquin.




"Pasensya na iho, pero hindi pwedeng umalis ng ospital ang anak ko. Nakikita mo bang mahina na siya?!" my dad bellowed at Juaquin.




Nakita ko ang pagluhod ni Juaquin kay papa. "Tito please, gusto ko pong makasama ang anak niyo."





Biglang pumasok si Doc. Mendez sa loob ng kwarto ko at nagulat nang makita si Juaquin na nakaluhod at umiiyak.




"The patient's panting and can't breathe properly because of his weak pulse and his lungs aren't functioning well. He's now critical and his body can't withstand any more external shocks. We're just...counting his last days." Doc. Mendez advised.




Mas lalong lumakas ang iyak ni Juaquin nung marinig iyon. Si papa naman ay pilit na pinipigilan ang kanyang pag-iyak. It must be hard for them to know the truth.





"Ano po bang kailangan nating gawin doc? Kung kailangan niya ng heart donor, handa akong ibigay ang puso ko para kay Achlys mapagaling niyo lang siya." Juaquin blurted.




I shouted. "Juaquin, stop! Ano bang iniisip mo? Mas lalong ayokong mabuhay kung mawawala ka!"





Juaquin turned his face to me. "Achlys, kunin mo nalang din ang puso ko kung iiwan mo rin ako." pagsusumamo niya.




Tumingin ako kay papa na patuloy ang pag-iyak at paghagulgol. "Pa, g-gusto ko pong sumama kay Juaquin. Maari mo ba kaming payagan?"




Lumapit sakin si papa at niyakap ako. Parang ayaw niya akong bitawan nung mga oras na yon. "S-Sige anak. Papayag na ako kung iyon ang gusto." hinalikan niya ang noo ko.




Fulfilling His Wish ✅Where stories live. Discover now